Draymond Green ipinakita na kayang-kaya niyang tapatan si LeBron James.
Talaga namang nag-stepped up itong si Draymond Green kung kailan kailangang-kailangan na ng Golden State Warriors, mga idol, at sa proseso, nagawa niya ang isang gaya ng kasaysayan ni LeBron James.
Sa naging panalo ng Warriors sa Game 5 laban sa Los Angeles Lakers, si Green ay nagkaroon ng double-double performance, 20 points at 10 rebounds.
Nagkaroon din siya ng 4 assists, 2 steals at isang block, na malaki ang naitulong sa kanilang panalo, na nagtapos sa score na 121-106.
At dahil sa kaniyang double-double, napasama na siya kay LeBron sa mga aktibong manlalaro na nagkaroon ng higit sa 60 double-doubles sa postseason, mga idol.
Ang naging double-double ni Green sa Game 5 ay ang kaniyang ika-61 na, na double-doubles sa postseason, at si LeBron naman ay may total na 135 playoff double-doubles.
Nagagawa talaga ni Green na piliin kung kailan niya kailangang ilaro ang kaniyang pinakamahusay na paglalaro sa playoffs, na talaga namang kahanga-hanga.
Marami nga ang nagtatanong patungkol sa tiyaga ng paglalaro ni Green laban sa Lakers at sa kaniyang kaibigan na si LeBron, mga idol, at may katibayan naman kasi sila doon.
Dahil bago ang Game 5, si Green ay nagkaroon lamang ng pinagsamang 27 points sa serye nila sa Lakers, na ang Warriors ay nahulog sa 3-1 na kalamangan ng Lakers, at si Green ay hindi talaga naramdaman sa mga games na iyon.
Pero ngayon, pinatahimik na niya ang lahat ng usap-usapan at mga kritisismong ibinabato sa kaniya dahil sa kaniyang naging paglalaro n'ung Game 5.
At ang serye ay hindi pa nga tapos hangga't hindi pa nakukuha ng Lakers ang ika-apat na panalo, mga idol, kaya marami pa talaga ang kailangang gawin ng Warriors upang mapagwagian nila ang isang ito.
At napakagandang senyales na makita na si Green ay mukhang nakabalik na sa dating siya, kung saan natulungan niya ang kanilang koponan na magkaroon ng apat na kampeonato sa nakalipas na dekada.
At kung magagawa muli ni Green ang inilaro niya sa Game 5 sa darating na Sabado, posible ngang magkaroon ng Game 7 ang seryeng ito.
Comments
Post a Comment