Draymond Green hindi ikinatuwa na ang nagyari kay Anthony Davis ay ginawang katatawanan.
May mga ilan nga na tinitignan na ang nakuhang injury sa ulo ni Anthony Davis ay isang nakakatawang bagay, mga KaDribol.
Maging ang pagkaka-wheel chair niya patungong locker room, ay tinitignan nga ng ilan na isang katawa-tawang pangyayari.
Sina Shaquille O'Neal at Charles Barkley nga ay inisip din na ganoon iyon, isang nakakatawang bagay, pero si Draymond Green, iba ang nakikita niya patungkol doon.
Una, mga KaDribol, ang sabi ni Green na masaya siya na marinig na inaasahan nga na makakapaglaro itong si Davis sa Game 6 sa darating na Sabado.
Gayun pa man, binigyang pansin din niya ang mga taong ginagawang biro ang nangyari kay Davis.
Masaya nga raw itong si Green at makakapaglaro si Davis sa Game 6, dahil hindi raw maganda na kalabanin ang isang koponan na kulang at hindi buo.
Basta h'wag lang daw maglalaro itong si Davis na may iniinda siyang injury sa ulo, dahil isang seryosong bagay daw iyon, mga KaDribol.
Nakikita raw ni Green na maraming tao ang natatawa doon at pinag-uusapan iyon, isang tama raw iyon sa ulo, at ang isang maliit na tama sa ulo ay maari daw mapagbago ang lahat sa iyong buhay.
Kaya hindi raw niya maintindihan kung bakit pinagtatawan iyon at ginagawang biro, lalo na at nakataya raw ang buong buhay mo dahil lang sa isang injury, kaya hindi raw talaga maintindihan ni Green kung alin ang nakakatawa doon.
Si Stephen A Smith nga matapos na i-critisized ang nangyari iyon kay Davis, mga KaDribol, pagdaka'y humingi na ng paumanhin sa kaniyang maling pagpuna, pero mukhang sina Shaq at Barkley ay hindi gagawin iyon.
Dapat din natin tignan dito na si Green ay may history ng epilepsy, kaya si Green ay nagsasalita rito base sa kaniyang karanasan pagdating sa mga injuries sa ulo.
Mabuti na lang at mukhang okay naman na si Davis, at makakapaglaro nga siya sa isang mahalagang laban nila sa Game 6 sa Sabado.
Comments
Post a Comment