Desisyon sa pagsuspinde kay Nikola Jokic para sa Game 5 laban sa Suns inilabas na.
Nakaiwas nga itong si Nikola Jokic ng Denver Nuggets sa pagkakasuspinde para sa Game 5 ng Western Conference Semifinals, matapos na matawagan ng technical foul dahil sa ginawa niyang paniniko sa owner ng Phoenix Suns na si Mat Ishbia, n'ung nag-out of bounds ang bola n'ung Game 4.
Bagaman na hindi siya nasuspinde, pinagmulta naman siya ng $25,000, bilang parusa sa kaniyang ginawang paniniko kay Mat Ishbia.
Sa darating nga na Miyerkules ang Game 5 sa pagitan ng Nuggets at ng Suns, alas-dyes ng umaga, Pinas time.
At magiging mahirap para sa Nuggets kung sila ay maglalaro na wala ang kanilang best player na si Jokic, sa isa sa mahalagang game ng serye, mabuti na lang at hindi siya nasuspinde.
Tabla nga ang kanilang serye sa 2-2, nanalo ang Nuggets sa unang dalawang games sa kanilang tahanan, at nakabawi naman ang Suns sa kanilang tahanan, at naipanalo nila ang Game 3 at 4, kaya tabla na sila sa serye.
Hiniling nga ni Mat Ishbia na huwag nang masuspinde si Jokic, at nakuha naman niya ang kahilingan niyang iyon, kaya mapapanood pa rin natin ang magkalabang koponan na kumpleto ang kalakasan.
Inaasahan na nga na ang kanilang serye ay ang magiging pinaka-dikitang labanan ng playoffs, at kapuwa sila karapat-dapat na manalo sa NBA Finals, kung sakaling makaabot ang isa sa kanila doon.
Ang mananalo sa kanilang serye ay makakalaban ang mananalo sa labanan ng Golden State Warriors at ng Los Angeles Lakers sa Western Conference Finals, at pareho nga na paborito ang Nuggets at ang Suns na makaabante sa seryeng iyon.
Kaya naman, kapanapanabik talaga ang bawa't laban, at kaabang-abang na rin kung ano ang kalalabasan ng bawa't serye.
Comments
Post a Comment