Carmelo Anthony nadamay sa naging kabiguan ni Kevin Durant sa playoffs.
Matapos nga na pagbakasyunin na ng Denver Nuggets ang Pheonix Suns, ilang sa mga kritiko at may haters ay nagpasimulang binanatan itong si Kevin Durant.
Dinamay pa nila ang walang kamalay-malay na si Carmelo Anthony sa sinapit ni Kevin Durant, dahil anila, gaya raw ni Carmelo, dapat daw ay ring-less pa rin o wala pa sanang nakuhang kampeonato itong si Durant kung hindi siya kumampi sa Golden State Warriors.
N'ung umalis nga itong si Durant sa Warriors, isinip ng karamihan na iyon ay ginawa ni Durant upang patunayan niya na hindi dahil sa Warriors kaya siya nagkampeon, kundi kaya pa rin niyang magkampeon kahit wala na siya sa Golden State.
Pero pagkalipas ng apat na taon, magbuhat ng lisanin niya ang Warriors, wala pa ring nakuhang kampeonato itong si Durant, habang ang Warriors naman ay nakakuha muli ng isa.
Ngayong season, pagkakataon na sana ni Durant na makasungkit muli ng kampeonato, at pangatlo na sana niya iyon, matapos na humiling siya na itrade na siya sa Phoenix Suns at upang makasama niya sina Devin Booker at Chris Paul, upang makabuo ng Big 3.
Dahil sa nangyari, inasahan na ng karamihan na ito na nga ang magdadala kay Durant para sa isa muling titulo, pero nagkamali ang lahat ng nakaisip niyaon.
Dahil sa kabila na nagkaroon na ang Suns ng malakas na tambalan nina Durant at Booker, nagkulang naman sila sa lalim ng kanilang supporting cast upang makatulong sa dalawa.
Binura nga ng Nuggets ang Suns sa playoffs sa loob ng anim na games, at sa isang nakakahiyang Game 6 pa nila tinapos ang Suns, na naghabol ang Suns ng 30 points sa unang kalahati ng game, at nagtapos ang laban sa score na 125-100.
Pagkatapos ng pagkatalong iyon ng Suns, biglang nagtrend itong si Carmelo sa Twitter dahil kay Durant.
Ilan sa mga fans ni Carmelo ay nainis dahil sa ginawa ng iba na pambabastos sa former NBA superstar, at sinabi ng mga sumusuporta sa kaniya, na hindi makatarungan na patamaan na lang ng ganoon si Carmelo, kung si Durant naman ang nabigo ng malaki sa panahon ngayon.
Isang hindi magandang araw talaga ang nangyaring ito para kina Kevin Durant at Carmelo Anthony.
Ano ang masasabi niyo dito?
Tama ba na madamay pa si Carmelo sa naging isa na namang kabiguan na ito ni Durant?
Comments
Post a Comment