Caleb Martin nagpamalas ng kahanga-hangang paglalaro sa Game 7 ng sagupaan ng Heat at Celtics sa East Finals
Caleb Martin nagpamalas ng kahanga-hangang paglalaro sa Game 7 ng sagupaan ng Heat at Celtics sa East Finals
Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang ginawa na ito ni Duncan Robinson sa harapan ng home crowd ng Boston Celtics sa Game 7.
Kamuntikan na ngang makagawa ng kasaysayan ang Boston Celtics bilang unang koponan na nakabalik mula sa pagkakalubog na 0-3 sa isang best-of-7 series, mga KaTop Sports.
Pero hindi iyon tinulutan ng Miami Heat na mangyari, dahil matindi talaga ang inilaro nila upang talunin ang Celtics sa mismong tahanan nila sa Boston sa TD Garden.
At sinugurado talaga ng Heat na makukuha na nila ang panalo sa final game nilang iyon sa serye ng East Finals.
Matapos ng halos dikitan lamang na labanan, ang Heat ay biglang umarangkada sa fourth quarter at tuluyan na ngang lumayo sa Celtics, mga KaTop Sports.
Sa isang banda, nakalamang pa nga ang Heat ng 21 points dahil sa layup ni Duncan Robinson, na matapos niyang maipasok ang kaniyang tira ay agad niya iyong ipinaramdam sa home crowd ng Celtics.
Narito at panoorin natin ang ginawa ni Duncan Robinson.
Ginawa iyon ni Duncan Robinson bilang pagpapakita sa mga fans ng Celtics na hindi na niya naririnig ang ingay nila, mga KaTop Sports.
At nagawa talaga ng tama ng Heat ang kanilang trabaho na huwag hayaang ma-involved ang mga fans ng Celtics sa laban, at isa nga si Robinson sa nagpatikom ng mga bibig ng mga fans ng Celtics.
Panigurado, ang mga fans ng Celtics ay hindi nagustuhan ang ginawa na iyon ni Robinson, lalo na at pagpapakita iyon ng hindi paggalang sa kanila.
Pero kung titignan naman natin, may punto naman doon si Robinson dahil napatahimik talaga nila ang home crowd ng Boston, mga KaTop Sports.
Pero ang fans ay fans, may makakatanggap no'n at meron namang hindi.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports.
At para naman sa ipinamalas na kahanga-hangang paglalaro ni Caleb Martin sa Game 7 ng sagupaan ng Heat at Celtics sa East Finals, mga KaTop Sports.
Si Caleb Martin nga ay nagpamalas ng magandang paglalaro para sa Miami Heat sa playoffs.
At bilang isang undrafted, siya ay naging isang pinakamahalagang player ng Heat sa postseason at lalo lang nag-improve habang sila ay sumusulong sa playoffs.
At sa Game 7 nga ng laban nila sa Celtics, kung saan nakuha nila ang panalo, siya ay nagtapos na may 26 points, 11-of-16 shooting mula sa field, at nakapagmarka na ng total points ngayong postseason ng 254 points, mga KaTop Sports.
Na nagdala sa kaniya upang maging pangatlo sa bilang ng mga undrafted player pagdating sa naipuntos ng isang player sa postseason.
Ang nanguna sa listahan ay si John Starks na may 364 postseason points, at ang pumangalawa naman ay si Austin Reaves, na ngayong taon ay nakapagtala ng 270 postseason points bago nga napabagsak ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers.
Isa nga itong kahanga-hangang performance ni Martin, hindi lang dahil sa siya ay undrafted, kundi dahil na rin sa kung papaano siya naglaro din naman ng maganda sa regular season, mga KaTop Sports.
Si Martin ay nag-averaged ng 9.6 points per game sa 2022-2023 regular season, 46.4% shooting mula sa field at 35.6% shooting naman mula sa tres.
At sa playoffs, sa halos kaparehas na minuto ng paglalaro niya sa regular season, siya naman ay nag-averaged ng 13.4 points per game, 55.3% shooting mula sa field at 42.2% shooting naman mula sa tres.
Kaya kitang-kita na mas gumagaling si Martin habang sila ay nakakapagpatuloy sa playoffs, mga KaTop Sports.
At sa Eastern Conference Finals laban sa Celtics, si Martin ay nag-averaged ng 19.3 points, 60.2% shooting mula sa field at 48.9% shooting naman mula sa tres, na talagang nakatulong sa Heat upang mapagwagian nila ang Game 7.
At ngayon nga na haharapin na ng Heat ang Nuggets sa NBA Finals, may mga games pa na kahaharapin itong si Caleb Martin, at kapag nagpatuloy ang kaniyang magandang paglalaro, panigurado malalagpasan niya sina Austin Reaves at John Starks.
Kaya sama-sama na nating abangan ang sagupaan ng Heat at ng Nuggets sa NBA Finals, na ang Game 1 ay magaganap sa darating na Biyernes, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports.
Comments
Post a Comment