Caleb Martin dinaig ang star duo ng Celtics na sina Jayson Tatum at Jaylen Brown.



Caleb Martin dinaig ang star duo ng Celtics na sina Jayson Tatum at Jaylen Brown.

Pero bago natin pag-usapan iyan, pag-usapan muna natin ang naging usapan nina Max Strus at Gabe Vincent nu'ng may 4 minutes pang natitira sa Game 7 ng laban ng Heat sa Celtics.


Si Jayson Tatum nga ay nakaranas ng isang masakit na ankle injury na nakapagpabago sa game nila laban sa Miami Heat sa Game 7, kaya't naging mabigat para sa Boston Celtics ang laban na iyon, mga KaTop Sports.

At ang pagpupursigi ng Celtics ay kinapos talaga, na nagawa nga silang tambakan ng Heat hanggang tuluyan na nga silang pabagsakin sa mismong tahanan nila, at ang Heat ang nakaabante sa NBA Finals.

May chance pa sana na makabalik ang Celtics sa laban dahil sampu lang naman ang kalamangan ng Heat sa pagbubukas ng fourth quarter.


Subali't ang Miami ay gumawa ng kanilang trademark run sa pagsisimula ng fourth quarter, kaya naman biglang lumobo ang kanilang kalamangan laban sa Boston.

At nang may apat na minuto na lang ang nalalabi sa final quarter, nagkaroon ng pag-uusap itong sina Max Strus at Gabe Vincent, mga KaTop Sports.

Sinabi ni Max kay Gabe na tutungo na sila sa NBA Finals, na sinagot naman ni Gabe ng hindi pa tapos ang laban, na agad din namang sinundan ng sagot ni Max ng tapos na, umaalis na ang mga fans nila, kaya tapos na ang laban.


Napakalupet ng naging usapan nilang iyon, pero napakahusay talaga ng nagawa ng Heat upang maialis nila sa laban ang home crowd ng Boston.

Ganado nga ang mga fans ng Celtics sa pagsisimula ng game, pero hindi nagtagal iyon, dahil agad namang nakontrol ng Miami ang laban.

Hindi na talaga nakaimik pa ang mga sumusuporta sa Celtics, kaya naman, gaya nga ng sinabi ni Max Strus, ang mga fans ng Boston ay nagsisialisan na sa arena na may 4 minutes pang natitira sa laban, mga KaTop Sports.


Kaya nang matapos na ang game, karamihan sa mga fans ng Celtics ay wala na sa kanilang mga upuan.

At ipinagdiwang ng Heat ang kanilang nakuhang tagumpay sa harap ng halos wala ng laman na stadium, na sa totoo lang, hindi dapat ginawa iyon ng mga fans ng Celtics, bilang paggalang na rin sana sa dalawang koponan na nagtunggalian hanggang dulo.

Sa umpisa pa lang ay nalalaman na ng Miami na kaya nilang manalo sa tahanan ng Boston, at ganoon nga ang kanilang ginawa.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports?

At para naman sa pagdaig ni Caleb Martin sa star duo ng Celtics na sina Jayson Tatum at Jaylen Brown.

Napakaganda nga ng inilaro ni Caleb Martin para sa Miami Heat sa kanilang naging serye sa Eastern Conference Finals laban sa Boston Celtics.


Sa kasagsagan nga ng lahat ng mga naging bayani sa postseason, nakakahanga rin naman talaga ang mga naging numero ni Martin, lalo na kung ikukumpara sa star duo ng Celtics.

Dahil ang 22 made 3-pointers ni Martin sa loob ng seven-game series ay mas marami pa ng apat kaysa sa pinagsamang 3-point made nina Jayson Tatum at Jaylen Brown, mga KaTop Sports.

Si Jayson Tatum ay nagkaroon lamang ng 23.4 percent shooting mula sa tres at si Jaylen Brown naman ay nagkaroon lamang ng 16.3 percent mula sa tres sa kanilang serye.


Habang si Martin naman ay nagkaroon ng 48.9 percent shooting mula sa tres, napakalaki ng agwat at deperensiya sa star duo ng Celtics.

Si Martin ay nagkaroon ng 4-of-6 shooting mula sa tres na may playoff-career high na 26 points nu'ng Game 7.

Sa nagawa na ito ni Martin, lalo lang niyang pinatingkad ang naging kakulangan ng Boston sa kanilang perimeter shooting, lalo na sa dalawang huling games nila, mga KaTop Sports.


Naipakita rin ni Martin ang kahusayan ng isang tinatawag na role player sa conference finals, na kamuntikan pa nga na siya ang itanghal na MVP sa serye, na naigawad nga kay Jimmy Butler.

Kakailanganin talaga ng Heat ang ganoong klase na kahusayan ni Martin kapag nakaharap na nila ang Denver Nuggets sa NBA Finals na magsisimula na nga sa Biyernes ng umaga, 8:30 Pinas time.

Nagkaroon nga si Martin ng 46.4 percent shooting sa floor at 35.6 percent naman sa tres nu'ng regular season, kaya may mga senyales na mula pa doon na talagang puputok itong si Martin sa postseason.


At eksato lang ang pagsibol ni Martin bilang isang mahalagang tagapag-ambag ng kanilang koponan sa opensa, na talaga namang malaki ang naitulong sa kanila sa playoffs, mga KaTop Sports.

Naipakita talaga ni Martin kung ano ang kaya niyang maibigay at magawa sa liga, at ang maitambal siya kay Butler ay isang mabisang sandata na ng Miami sa pagpasok nila sa NBA Finals.

Habang sina Jayson Tatum at Jaylen Brown naman ay nagpapahinga na sa kani-kanilang mga bahay na tangan ang katotohanang ito, na nadaig sila ng isang undrafted player na nagngangalang Caleb Martin.


Ano ang masasabi niyo rito, mga KaTop Sports.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.