Ben Simmons at John Collins trade sa pagitan ng Nets at ng Hawks matuloy kaya?



Ang Brooklyn Nets at ang Atlanta Hawks ay papasok sa offseason na haharap sa mahahalagang gagawin at pagdedesisyon ng kani-kanilang personnel.

Pareho nga silang nakapasok ng playoffs, subali't hindi sila pinalad na makaabante sa susunod na round.

Kaya naman, may mangyayaring pagbalasa sa kani-kanilang mga roster, asahan na natin iyan, at baka magkaroon pa ng palitan ng mga stars ang Brooklyn at Atlanta sa offseason.


At ang ganitong ideya ay pinaniniwalaan din naman ng isang hindi pinangalanang executive ng liga, na para sa kaniya, posible nga raw mangyari ang senario na iyon.

Gusto raw ng Nets ng isang player na scorer, at si John Collins daw ng Atlanta Hawks ay scorer, pero makukuha lang daw ng Nets si Collins kung ang ipapalit daw sa kaniya ay scorer din, at diyan na nga papasok si Ben Simmons, kung siya ba ay pasok sa kategorya.

Wala raw maraming koponan ang gusto ang ideya na kunin nila si Simmons, pero sa Atlanta, posible raw, lalo na at mas higit nilang kailangan ang player na magaling dumipensa, upang makatulong kay Trae Young.


Pero dapat munang makumbinse ng Nets ang Hawks na itong si Simmons ay gusto pa ring maglaro, dahil sa ngayon, iyan ang katanungang pumapalibot kay Simmons.

May malaking katanungan din patungkol sa kalusugan ni Simmons, lalo na at hindi siya nakapaglaro sa halos kabuoan ng season dahil sa injury niya sa likod.

Isa pang katanungan, kung sakali mang healthy na si Simmons, aangkop naman kaya siya sa tambalang Trae Young at Dejounte Murray sa isang three-guard lineup?


At para naman sa Nets, si John Collins na ba ang kasagutan para sa kakulangan nila ng lalim sa kanilang frontcourt, at babagay ba siya na itambal kay Mikal Bridges sa susunod na season?

Kaya ang potensiyal na blockbuster trade na ito ay punong-puno ng katanungan kaysa sa kasagutan para sa magkabilang koponan, pero maganda pa rin na subaybayan ang sitwasyon nila, kung ito nga ba ay magkakaroon ng katuparan o isang haka-haka lamang.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.