Bam Adebayo injury update para sa Game 2 ng laban ng Heat sa Celtics inilabas na.
Nailagay nga sa injury report ng Miami Heat itong si Bam Adebayo para sa Game 2 ng laban nila sa Boston Celtics sa darating na Sabado, May 20, 8:30 ng umaga, Pinas time.
Ang magandang balita dito ay wala raw dapat ipag-alala ang mga fans ng Heat kahit na ba na may iniinda pang pananakit sa kaniyang balikat itong si Adebayo.
Ayon sa iniulat ng Heat beat reporter na si Ira Winderman ng South Florida Sun Sentinel, si Adebayo ay inilista bilang available para sa laban nila sa Sabado.
Medyo may katagalan na nga na dala-dala ni Adebayo ang pananakit ng kaniyang balikat, nakuha niya ito n'ung ikalawang round ng playoffs laban sa New York Knicks, mabuti na lang at nakakapaglaro pa rin siya at wala siyang nailiban na mga laban.
Nagsusuot ng compression shirt itong si Adebayo bilang suporta sa kaniyang injury sa balikat, kaya malamang ganoon pa rin ang makikita natin sa kaniya sa Game 2 laban sa Boston.
Sa ibang injury report ng Heat, sina Tyler Herro at Victor Oladipo ay mananatiling nakalista pa rin bilang out., si Omer Yurtseven ay questionable at si Cody Zeller naman ay available.
Sa matinding pagpupursiging ipinakita ng Heat n'ung Game 1, nagawa nila na talunin ang Celtics, na si Adebayo ay nagtapos na may 20 points, sa kaniyang mabisang shooting na 9-of-13 sa field, 8 rebounds, 5 assists at isang steal.
Kakailanganin ni Adebayo at ng kabuoan ng Miami Heat na mailabas ang pinakamagaling nila sa Game 2 dahil panigurado babawi ang Celtics at hindi sila basta na lang papayag na madalawahan sila ng Heat sa kanilang tahanan.
Comments
Post a Comment