Austin Reaves sumiklab sa laban sa panahong kailangan ng Lakers sa Game 6 laban sa Warriors.



Sa pagsisimula nga ng season, mga KaDribol, ang Los Angeles Lakers ay mukhang patungo sa pagkuha ng first round pick sa New Orleans Pelicans, upang sa kanila mapunta si Victor Wembanyama.

Pero ngayon, ang Lakers ay pasok na sa Western Conference Finals, at sila ay magkakaraoon ng rematch laban sa naging katunggali nila n'ung 2020 NBA playoffs, ang Denver Nuggets.

At ang isa sa naging dahilan ng malaking pagbabago na nangyari para sa Lakers ay ang naging paglalaro ng undrafted na si Austin Reaves.


Nagsimula ang career ni Reaves sa mababang kalagayan, mga KaDribol, kung saan siya ay naglalaro lamang ng sampu hanggang labing limang minuto kada game sa Lakers.

Pero ngayon, malaki na ang iniunlad ng kaniyang paglalaro, at sa naging panalo nga nila sa Game 6, na nagtapos sa score na 122-101, malaki ang naiambag ni Reaves doon.

Nagtapos si Reaves na may 23 points, 5 rebounds at 6 assists, 7-of-12 shooting sa field at 4-of-5 naman mula sa tres, kabilang ang isang pagbato niya mula sa half court na pumasok, na nakapagbigay ng momentum patungong halftime break.


Sa buong serye ng Lakers sa playoffs, maliban n'ung Game 4, mga KaDribol, medyo nag-struggle nga itong si Reaves sa kaniyang paglalaro, at nabawasan din ang role niya sa kanilang opensa.

Pero nang mabigyan siya ng pagkakataong tapusin na ang Warriors sa harapan ng kanilang home crowd, ipinakita talaga ni Reaves na siya talaga ang totoong pinag-uusapan dito.

Kaya naman, nakakapanabik nang malaman kung ano kaya ang gagawin ng Lakers kapag tumuntong na itong si Reaves sa free agency.


Malamang, mga KaDribol, nakahanda ang Lakers na bayaran siya sa anumang halaga na hilingin niya, dahil nga sa mabilis na pag-unlad na ipinakita niya sa Lakers sa dalawang season na inilaro niya dito.

Sa ngayon, kailangan ni Austin Reaves at ng Lakers na maipagpatuloy ang magandang paglalaro sa susunod na round laban sa Nuggets.

At dito, higit na kakailanganin ng Lakers ang kahusayan ni Reaves sa magkabilang dulo ng court, upang madaig nila ang malakas na opensiba ng kalabang koponan na Denver Nuggets.


Ang Game 1 sa pagitan ng Lakers at Nuggets sa West Finals ay magaganap sa darating na Miyerkules, mga KaDribol, May 17, 8:30 ng umaga, Pinas time.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.