Ang ipapalit ng Suns kay Chris Paul habang siya ay may injury makatulong kaya?
Ang pagkaka-injury nga ni Chris Paul ng Phoenix Suns ay posibleng magdala sa kanila sa kabiguan, at sila ay hindi na makapagpatuloy pa sa susunod na round.
Lalo na at nasa kalagayan sila na 0-2 laban sa Denver Nuggets sa kanilang serye sa ikalawang round ng playoffs.
Ngayon kailangan ng Suns na makahanap ng sulusyon sa mga susunod nilang laban, matapos na masuri si Paul na may groin injury at tinatayang hindi siya makakapaglaro ng hindi bababa sa isang linggo.
Kaya naman ang head coach ng Suns na si Monty Williams ay wala nang magagawa kundi humanap ng mga players na pupwedeng pumuno sa pagkawala ng kanilang star point guard na si Chris Paul.
Si Paul ay isa sa magagaling na playmakers sa kasaysayan ng sports at totoo namang walang sinuman ang makakapalit sa kaniya.
Gayun pa man, kung ang scoring ang pag-uusapan, gagamitin daw ni coach Williams sina Terence Ross at TJ Warren na may postensiyal na tumakip sa pagkawala ni Paul.
Isa nga sa malaking kritisismo ang ibinato sa Suns matapos ang trade deadline ay ang kakulangan nila sa lalim.
Kaya ngayon, masusubukan sila dito sa ilang mga games habang wala si Paul dahil sa kaniyang injury, at kailangan makagawa talaga ng paraan ang Phoenix upang manatili pa silang buhay ngayong season.
At sana lang ay makatulong nga itong sina Ross at Warrens sa Suns, nang 'di nila maramdaman ang pagkawala ni Paul.
Magaganap ang Game 3 at 4 sa tahanan ng Phoenix sa Footprint Center, kaya may makukuha nang suporta ang Suns sa kanilang home crowd sa mga games na ito.
At kailangan na hindi na matalo pa ang Suns sa mga games na iyon, kung gusto nila na manatiling buhay ang pag-asa nila na makuha ang titulo ngayong taon.
Comments
Post a Comment