Andrew Wiggins nasaktan sa nangyari sa kaniya at sa kanilang koponan matapos malaglag na ang Warriors sa playoffs.



Napakaganda nga ng inilaro ni Andrew Wiggins n'ung Game 5, mga idol, kung saan nanalo ang kanilang koponan na Golden State Warriors laban sa Los Angeles Lakers.

Pero n'ung Game 6, hindi naramdaman ang epekto ni Wiggins at hindi rin siya nakaabot sa double-digits scoring.

Nagtapos lamang si Wiggins na may 6 points, sa kaniyang 2-of-8 shooting sa field, sa naging laban nila n'ung Sabado.


Kaya ang nangyari, mga idol, nalaglag na sila sa playoffs, na halos nahirapan silang labanan ang Lakers, na tinalo sila sa score na 122-101.

Sa mga hindi nakaalam, si Wiggins ay naglaro sa Game 6 na may iniindang rib injury na nakuha niya n'ung Game 5.

Habang binigyan naman siya na kapahintulutang maglaro, pero aminado si Wiggins na hindi niya nailaro ang pinakamagaling niyang paglalaro n'ung Game 6, at dahil din daw iyon sa kaniyang injury, na lubhang nakapapekto sa kaniya.


Pagkatapos ng Game 6, mga idol, sinabi ni Wiggins sa isang interview na siya ay naglaro na may nararamdamang sakit sa kaniyang injury, na gaya na nga ng kinatatakutan ng mga fans ng Warriors, magbuhat na maiulat na siya ay may injury bago pa ang Game 6.

At kahit na ba na hindi na sabihin pa iyon ni Wiggins, halatado naman na, dahil nga sa naging paglalaro niya n'ung Sabado.

Ang magandang balita para sa naging injury ni Wiggins, hindi na niya kailangan pang sumailalim sa isang operasyon 'o malalaking gamutan, dahil kusang gagaling naman daw ang kaniyang injury, at kailangan lang daw niya na magpahinga.


Gayun pa man, mga idol, masakit pa rin para kay Wiggins ang nangyari sa kaniya at sa kanila, dahil sa nagtapos sila sa seaaon na may dala siyang injury, at nawala pa ang pangarap nila na makuha ang back-to-back titles.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.