Tambalang Paolo Banchero at Victor Wembanyama posible bang mangyari sa Orlando?
Gustong-gusto nga ni Paolo Banchero ang idea na siya at si Victor Wembanyama ay magsasama sa Orlando Magic.
Para kay Banchero, ang pagkadagdag ni Wembanyama sa Orlando Magic ay magdadala sa kanila sa ibang antas ng paglalaro.
Sinabi din ni Banchero na si Wembanyama ay isang kakaibang manlalaro, na mapalad daw ang alinmang koponan na makakakuha sa kaniya.
Ang height, skills at galaw daw ni Wembanyama ay hindi pa nakita sa kahit kanino mang manlalaro ng basketball, at napakahirap daw isipin kung papaano siya nakagagalaw ng ganoon, sa kabila ng angkin niyang taas ng pangangatawan.
Kaya, kapag nakuha raw ng Orlando Magic si Wembanyama, magiging problema na raw sila ng liga, pagpapatuloy pa ni Banchero.
Naging usap-usapan na nga itong si Vicyor Wembanyama, bago pa man nagsimula ang 2022-2023 season, at walang duda, na siya ay isa sa pinananabikang atleta pagkatapos ni LeBron James, gaya rin ng pananabik noon na nakapaligid kay Zion Williamson, bago siya pumasok sa NBA.
Maging sina Kevin Durant at LeBron James ay pinuri itong si Wembanyama dahil sa angkin niyang kahusayan sa paglalaro ng basketball, na siya ay tinawag pa nga ni LeBron na alien imbes na unicorn.
Pero gaya nga ng sinabi ni Paolo Banchero, magiging mapanganib na koponan na ang Orlando Magic kapag sa kanila napunta itong si Victor Wembanyama.
Lalo na ngayon na napatunayan na ni Banchero na siya ay isa sa magagaling na scorers ng NBA, mas magiging mapanganib siya kapag natambalan siya ng gaya ni Wembanyama na isang two-way threat.
Medyo mahirap pa nga rin para sa Magic na makuha nila itong si Wembanyama, pero posible pa rin naman na magkaroon ng katuparan iyon.
Hawak kase ng Orlando ang sixth-best odds sa lottery upang makuha ang no.1 pick, at kapag pinalad sila, masasaksihan na natin ang magiging tambalan nina Paolo Banchero at Victor Wembanyama.
Comments
Post a Comment