Stephen Curry at Steve Kerr sinabi na "special" daw itong si Kevon Looney para sa Warriors.
Muli na naman ngang pinangunahan ni Stephen Curry ang Golden State Warriors upang makuha nila ang panalo sa Game 5 ng laban nila sa Sacramento Kings sa Golden 1 Center.
Nakaagaw nga ng panalo ang Warriros sa tahanan mismo ng Sacramento, at ngayon nga ay babalik sila sa kanilang tahanan, sa Chase Center, upang tapusin na doon ang serye nila sa unang round sa Game 6.
Isa sa naging tahimik na bayani sa panalo nilang iyon ay itong si Kevon Looney, na siya ay nagkaroon ng 22 rebounds at 7 assists sa loob ng 35 minutes na paglalaro, na may kasama ring 4 points at 1 block.
Matapos nga na magkaroon siya ng 20 rebounds n'ung Game 3 at 22 rebounds naman n'ung Game 5, siya na ngayon ang ikatlong manlalaro sa kasaysayan ng prankisa ng Warriors na nakakolekta ng 20+ rebounds, sa ilang games sa parehong serye, at ang dalawang nakagawa pa nito sa Warriors ay sina Wilt Chamberlain at Nate Thurmond.
Kahanga-hangang gawa talaga ang nagawa na iyon ni Looney, na maging si Steph Curry ay napabilib sa kaniyang nagawa.
Dahil ang mapasama raw sa dalawang pangalan na iyon ay napaka-espesyal, at nagpapatunay lang daw kung gaano ka-espesyal din na manlalaro itong si Looney, ang sabi ni Curry, mga idol.
At ganoon din naman ang naramdaman ng kanilang head coach na si Steve Kerr para kay Looney, at pinuri nga niya ang kanilang sentro dahil sa naibibigay nito para sa kanilang koponan.
Ginagawa raw ni Looney ang mga bagay na gusto ng mga coaches, siya raw ay umii-screen, rumi-rebound, at tinitignan ang mga libre niyang kakampi na mga 3-point shooters, at hindi daw siya nagkakaroon ng turnovers, dagdag pa ni Steve Kerr, mga idol.
Hindi man isang star itong si Kevon Looney, mga idol, pero siya ay isang player na gugustuhin mo na nandoon sa iyong koponan, at malamang ganoon din ang nararamdaman ng Warriors para sa kaniya.
At asahan na natin, mga idol, na siya ay magiging isang malaking susi ng Warriors bilang kanilang role player sa kanilang pagpapatuloy.
Comments
Post a Comment