Paolo Banchero naiuwi ang Rookie of the Year award.
Matapos nga na makuha ni Paolo Banchero ang 1st overall pick sa ginanap na 2022 NBA Draft, umaasa na ang Orlando Magic na nakapagdagdag sila sa kanilang koponan ng isang batang star sa court.
Kasunod ng kaniyang malakas na season bilang rookie, si Banchero ay mukhang patungo na sa susunod na antas ng kaniyang malakas na career, at ngayon nga ay meron na siyang magagamit upang mapatunayan iyon.
Sapagka't si Paolo Banchero ay pinangalanan na, na Rookie of the Year ngayong 2022-2023 season.
Sa naging rookie season ni Banchero, siya ang nagsilbing go-to option ng Magic, habang siya ay nakapaglaro ng 72 games ngayong season, nag-average siya ng 20 points, 6.9 rebounds at 3.7 assists.
Naging mabisa din siya sa kaniyang shooting, na siya ay nagkaroon ng 42.7% shooting percentage ngayong season.
Nakapagpamalas din itong si Banchero ng mahusay na paglalaro sa ilang okasyon, kagaya na lang n'ung isang naging laban nila sa Sacramento Kings, kung saan siya ay nakapagtala ng 33 points, 16 rebounds at 4 assists, na ito ay sa ika-sampung game palang niya sa liga.
Sa pagkakabigay kay Banchero ng award na ito, napasama na siya sa elite company sa kasaysayan ng Orlando Magic.
Siya ang naging ikatlong player sa kasaysayan ng Orlando Magic na pinangalanang Rookie of the Year, ang dalawa sa kanila ay sina Mike Miller at Shaquille O'Neal.
Si Kessler ay nakakuha din ng dalawang 1st place votes, na wala nang iba pang rookie na nakakuha.
Sa binuo ngayon ng Orlando Magic na grupo sa kanilang koponan, at mayroon pa silang dalawang potensiyal na top picks sa 2023, si Paolo Banchero at ang Orlando Magic ay mukhang nasa daan na ng pagbalik nila sa tamang porma.
Ang kanilang koponan ay punong-puno ng mga talentadong batang mga manlalaro, kailangan lang nilang magpatuloy na magdevelop.
At sa pangunguna ni Banchero, mukhang hindi na magpapapigil pa ang kanilang koponan sa susunod na season.
Comments
Post a Comment