Magretiro ka na! Iyan ang payo ni Stephen A Smith kay Kawhi Leonard.
Inanunsiyo na nga ng Los Angeles Clippers na hindi pa rin makakapaglaro itong si Kawhi Leonard para sa Game 4 ng sagupaan nila laban sa Pheonix Suns sa Linggo.
Hindi nga nakapaglaro itong si Leonard sa Game 3 dahil sa injury niya sa tuhod, at nakatakda na ma-miss niya uli ang ikalawang sunod niyang games sa playoffs, na lalong maglalagay sa alanganin para sa Clippers.
At si Stephen A Smith ng ESPN ay hindi na nakapagpigil pa dahil sa palaging nangyayari kay Leonard.
Sinabi ni Smith na si Leonard daw ang pinakamalalang superstars na nakita niya, at pinayuhan pa niya ito na magretiro na lamang dahil sawang-sawa na raw siya sa mga injuries ni Leonard.
Ramdam daw nitong si Smith ang nararamdaman ngayon ng mga fans ng Clippers, at ipinunto rin niya na matapos raw na maglaro naman ng maayos itong si Leonard n'ung Game 2, kung saan siya ay nagtapos na may 31 points, ngayon ay injured na naman siya.
Napakasaklap talaga para sa Clippers ang nangyayaring ito sa kanila, lalo na at maging si Paul George ay naka-sideline rin dahil sa kaniyang injury.
Ngayon ang Clippers ay aasa na lamang kay Russell Westbrook at mga kasama nito sa Game 4 laban kina Kevin Durant, Devin Booker at sa kabuoan ng Suns team.
At kapag natalong muli ang Clippers, malulubog na sila sa 3-1 na kalamangan ng Phoenix, at kapag nangyari ito, baka hindi na sila makabawi pa.
Depende na lang kung makapaglaro na uli sina Kawhi at PG sa Game 5, baka sakaling may laban pa sila at makabawi pa kapag nagkagayon.
Comments
Post a Comment