Magic Johnson nadismaya sa pagkatalo ng Lakers sa Game 5 laban sa Memphis Grizzlies.



Medyo na dismaya nga itong si Magic Johnson sa naging performance ng Los Angeles Lakers sa Game 5 laban sa Memphis Grizzlies, pero pinili pa rin naman niya na tignan ang positibong bagay patungkol doon.

Dinurog nga kasi ng Grizzlies ang Lakers sa score na 116-99, na sina Ja Morant at Desmond Bane ay may pinagsamang 64 points upang makuha ang panalo.

Medyo hindi rin maganda ang performance ni LeBron James sa laban nilang iyon, mga KaDribol, na siya ay nagkaroon lamang ng 15 points, sa kaniyang 5-of-17 shooting.


Samantalang si Anthony Davis naman ay naging solido ang paglalaro, na siya ay nagtapos na may 31 points, 19 rebounds at 2 blocks, kaso nga lang, kinulang talaga siya ng katulong upang maisara na sana ang serye.

Si Austin Reaves ay nagtapos na may 17 points, 8 rebounds at 6 assists.

Si D'Angelo Russell ay nakapag-ambag naman ng 11 points, 4 rebounds at 10 assists.


Si Rui Hachimura, 9 points at 2 rebounds, si Jarred Vanderbilt naman ay 7 points, 2 rebounds at 3 asssist.

Si Malik Beasley ay 6 points at 1 rebound, at si Wenyen Gabriel ay 3 points at 2 rebounds.

At dahil nga sa natalo ang Lakers, hindi itinago ni Magic Johnson ang kaniyang pagkadismaya, habang binigyang kredito naman niya ang ginawa nina Morant at Bane sa game.


Gayun pa man, tinignan pa rin naman ni Magic ang magandang bahagi, at ipinunto niya na may pagkakataon ang Lakers na tapusin na ang Memphis sa harap ng kanilang mga fans, sa kanilang tahanan sa Game 6.

Ang nanguna para sa Grizzlies upang makuha nila ang panalo ay ang 33 points na nagawa ni Desmond Bane, na may kasamang 10 rebounds at 5 assists, at ang 31 points na nagawa naman ni Ja Morant, na may kasama ring 10 rebounds at 7 assists.

At bukod kay Jaren Jackson Jr. wala nang iba pang player ang Grizzlies na naka-double digits sa scoring, si JJJ ay nagtapos na may 18 points at 10 rebounds.


Pero sabi nga ni Magic, mga KaDribol, na kahit na ba na maganda pa ang inilaro ni Davis, nakakadismaya pa rin daw na natalo ang Lakers, mabuti na lang daw at may pagkakataon pa silang tapusin ang Grizzlies sa Sabado sa Crypto.com Arena.

Naipanalo nga ng Lakers ang dalawang home games nila sa serye, kaya naman, gaya ng sabi ni Magic Johnson, mataas talaga ang tyansa na maisasara nga ng Lakers ang serye sa Game 6 sa kanilang tahanan.

Tinalo rin naman ng Grizzlies ng malaki ang Lakers n'ung Game 2, pero nakita naman natin ang ginawang pagbawi ni LeBron at ng Lakers sa Game 3 at 4, kaya sana, tama ang sinabi ni Magic Johnson, na tatapusin na ng Lakers ang serye sa Sabado.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.