Luke Kennard posibleng hindi makapaglaro sa Game 6 laban sa Lakers.



Nakuha nga ng Memphis Grizzlies ang panalo sa Game 5 laban sa Los Angeles Lakers, at nakaligtas pa sila sa pagkalaglag sa unang round, na sila ay haharap muli sa isang elemination game sa Game 6 sa Cryto.com Arena sa Sabado.

Si Ja Morant ay nagpapamalas ng napakahusay na paglalaro sa unang round na ito ng playoffs, at kakailanganin nila na magpatuloy siyang gayon, dahil haharap nga muli sila sa elemination sa Game 6, at susubukan nilang dalhin ang serye sa Game 7 pabalik sa kanilang tahanan.

At isa sa malaking adjustments na ginawa ng head coach ng Grizzlies na si Taylor Jenkins sa Game 5 ay ang paglaruin ng mas mahaba si Luke Kennard, ang kaso nga lang, siya ay nagtamo ng injury, at ngayon ay nakalista sa kanilang injury report na questionable.


Nakuha nga ni Kennard ang kaniyang injury nang malapit nang matapos ang laban, at hindi na nga siya ibinalik pa muli sa laro, dahil maganda naman na ang kalamangan ng Grizzlies sa Lakers.

Ang injuring natamo niya ay banda sa kaniyang shooting hand, at kapag hindi siya makakapaglaro, malaking problema ito para sa Grizzlies, dahil sa kakulangan nga nila ng pumupuntos sa tres.

Lalo na at itong si Kennard pa naman ang nangunguna sa NBA pagdating sa 3-point shooting, na siya ay may 49.4% sa tres.


Napunta nga itong si Luke Kennard sa Grizzlies n'ung midseason sa trade deadline, sa isang 3-team trade deal na kinabilangan ng Los Angeles Clippers at ng Houston Rockets.

At sa 24 regular season games na nailaro na niya sa Grizzlies, siya ay nag-averaged ng 11.3 points, 3.1 rebounds at 2.3 assists, 52.6% shooting sa field, 54% shooting sa tres at 94.7% shooting sa free throw line.

Naglaro itong si Kennard ng 18 minutes sa Game 5 at nagtapos na may 6 points, 5 rebounds at 1 assist, bago nga siya ay hindi na nakabalik pa sa game.


Ang presence ni Kennard ay isa sa nagiging dahilan upang lumuwag ang depensa sa kanila sa loob, dahil ang atensiyon ng depensa ay nababaling sa kaniya sa may 3-point line, kaya nahihirapan ang Lakers na makabalik sa pagtulong ng depensa sa loob.

Kaya naman ang mga fans ng Grizzlies ay mas gugustuhin na makapaglaro siya, kaya abangan na lang natin, mga KaDribol kung magkakaroon ng pagbabago sa injury report ng Grizzlies, bago magsimula ang Game 6.

Maglaro man o hindi si Luke Kennard sa Game 6, magawa kaya ng Grizzlies na dalhin pa hanggang Game 7 ang serye, o tatapusin na ng Lakers ang serye sa Sabado, ano sa tingin ninyo, mga KaDribol?


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.