LeBron James tutol sa pagbabayad sa blue checkmark ng Twitter.
by KADRIBOL BASKETBALL
May kumakalat nga na bali-balita, mga KaDribol, patungkol sa blue checkmarks ng Twitter, at kung gaano makagagawa ng malaking pera itong si Elon Musk, CEO ng Twitter, sa paniningil sa mga users para sa verified service.
At ang isa nga na hindi pumapayag dito ay itong si LeBron James, as in, tutol na tutol talaga siya sa gagawin na ito ng Twitter.
Bagaman na siya ay isang bilyonaryo, wala siyang balak na magbayad upang mapanatili lang ang blue check sa kaniyang account.
Mas gugustuhin pa raw ni LeBron na mawala ang kaniyang verified status kaysa magbayad ng $8 buwan-buwan para lang sa bagong Twitter Blue service.
Pero kahit na may inilabas na ganoon, at effective na ang policy ngayong araw, hindi pa rin naman nawawala ang blue checkmark sa account ni LeBron.
At hindi lang naman kay LeBron nangyari iyon, kundi sa ilan ding mga celebrities na mga hindi pumayag na magbayad ng $8.
Mukhang sinang-ayunan naman ng Twitter ang kagustuhan ni LeBron, mga KaDribol.
May balita din na kumakalat na si Elon Musk na muna ang magbabayad para sa blue check ni LeBron.
May 52 million followers itong si LeBron sa Twitter, at dahil sa sinabi na niya na hindi siya magbabayad para sa kaniyang verification, nag-e-mail ang Twitter sa kaniya, at sinabi na si Elon Musk na nga muna ang magbabayad para sa kaniya.
Hindi naman iyon tinanggap ni LeBron, siyempre, mga KaDribol, pero ipinakikita ng kaniyang account na ito ay bayad na.
Pero mukhang seryoso talaga itong si LeBron na hindi talaga siya magbabayad para sa blue checkmark na iyon ng Twitter.
At hindi niya gaanong binibigyan ng halaga ang kaniyang blue check sa Twitter, dahil hindi siya nagpadala sa bitag ni Elon Musk para sa kaniya.
Sinupalpal talaga ni LeBron dito si Elon Musk, mga KaDribol.
Visit KADRIBOL BASKETBALL
(YouTube Channel)
Follow us on FB Page
Top Sports PH.
Comments
Post a Comment