LeBron James ipinaliwanag ang kaniyang pamatay na tira na nagpanalo sa kanila sa Game 4.



Nagkaroon nga itong si LeBron James, mga KaDribol ng isa na namang napakagandang performance sa kanilang naging panalo sa Game 4.

At dalawang kamangha-manghang layups ang ipinamalas niya sa ating lahat, mga layups na hindi madaling gawin, lalo na kung ginawa mo ito sa mga panahong kailangang-kailangan.

Balikan natin, mga KaDribol ang mga iyon.


Naghahabol ng dalawang puntos ang Lakers, 104-102, 6.7 seconds na lang ang nalalabi sa regulation, nang tanggapin ni LeBron ang inbound pass mula sa taas ng arko.

Sinalaksakan niya si Xavier Tillman Sr., at ipinabanda ang kaniyang tira sa ibabaw ng board upang maiwasan ang tangkang pagbutata ni Jaren Jackson Jr. sa kaniyang tira, at pumasok ang layup na iyon ni LeBron.

Naitabla niya ang score sa 104, at nauwi na nga ang game sa isang overtime.


Pagkatapos ng game, ipinaliwanag ni LeBron kung papaano niya nagawa ang layup na iyon, at aniya, tinatrabaho raw niya ang iba't-ibang uri ng layup.

Tatlong klaseng layup daw ang tinatrabaho nila, upang magamit niya, depende sa kung sino ang magtatangkang pumigil sa kaniya.

Unang layup ay sa ilalim ng rim, pabandang tira, ikalawa ay sa gitna ng board, pabandang layup sa gitna ng parisukat, at ang pangatlo ay ang pabandang layup sa ibabaw ng parisukat.


Ilang beses na rin naman daw niya na nagawa ang matataas na layups, kaya hindi raw iyon ang kaniyang kauna-unahang mataas na layup na ginawa.
 
Ang isa pang layup, mga KaDribol ay nagawa naman niya sa overtime, 33 seconds na lang ang nalalabi sa oras, lamang naman sila ng tatlo n'un.


At tinuldukan na nga niya ang laban sa isang pamatay na tira na may kasama pang foul sa harapan ni Dillon Brooks, kaya naman napasigaw na lang siya ng todo-todo dahil sa pangyayaring iyon.

Talagang binuhat daw sila ni LeBron sa dulo ng game, ang sabi ni Anthony Davis, at ang mga fans ng Lakers ay punong-puno ng ngiti sa kanilang mga mukha na umuwi sa kani-kanilang tahanan, dahil sa panalong nakuha nila sa Game 4.


Nagtapos si LeBron na may 22 points, 8-of-18 shooting, at 20 rebounds, ito ang kauna-unahan niyang game, sa kaniyang ika-20th year ng kaniyang career, na siya ay nakapagtala ng 20/20 stats.

 Na may kasama pa itong 7 assists at 2 blocks at isang turnover, sa loob ng 45 minutes na paglalaro niya.


Kaya naman nang tanungin siya kung napapahanga pa rin ba siya ng kaniyang sarili, binanggit niya 'yung 20/20 stats, sabay sagot ng "Oo."


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.