LeBron James at Lakers nakagawa ng kasaysayan sa Game 6 laban sa Grizzlies.



Dinurog nga ng Los Angeles Lakers ang Memphis Grizzlies sa Game 6 upang maisara na ang kanilang serye sa playoffs, at sa labang iyon, nakagawa rin si LeBron James ng maraming kasaysayan.

Ipinahiya nga ng todo ng Lakers ang Memphis sa Crypto.com Arena, nang tambakan nila ang Grizzlies ng 40 points.

Si D'Angelo Russell ay pumuntok sa game at nagtapos na may 31 points, 2 rebounds at 4 assists, habang si LeBron naman ay nagkaroon ng 22 points, 5 rebounds at 6 assists, at nakuha nga nila ang panalo sa score na 125-85.


Maganda rin ang inilaro ni Anthony Davis, na siya ay nagtapos na may 16 points, 14 rebounds, 1 asssits at 5 blocks, at si Austin Reaves ay nagtapos na may 11 points, 6 rebounds at 8 assists.

Si Jarred Vanderbilt at Malik Beasley ay kapuwa nakapag-ambag ng tig-9 points, 3 rebounds at 3 assists kay Vando, at 2 rebounds at 2 assists kay Beasley.

Sina Riu Hachimura at Wenyen Gabriel ay kapuwa may tig-6 points, 4 rebounds kay Rui at 2 rebounds naman kay Gabriel.


Si Lonnie Walker lV ay nakapagdagdag ng 8 points, 1 rebound at 1 assist, at si Max Christie naman ay 5 points at 3 rebounds.

Si Troy Brown Jr. ay may 3 rebounds at 2 assists, at si Mo Bamba ay mayroon ding 3 rebounds at 1 assist.

Ang 40-point blowout ay ang pinakamalaking kalamangan sa isang nanalong koponan sa serye, na pinangungunahan ni LeBron sa kaniyang career.


Ang dati niyang record ay 35 points, n'ung siya ay nasa Cleveland Cavaliers pa, nang giniba nila ang Toronto Raptors sa Eastern Conference semifinals.

Naging isang makasaysayan talaga ang araw na iyon para kay LeBron, dahil siya rin ang naging unang player na nagkaroon ng 40 o higit pang panalo sa isang closeout games.

Nagpapatunay lamang iyon ng tagal na niya sa liga at ang pananatili ng kaniyang kahusayan.


Marami nga ang nangmaliit sa Lakers, n'ung nag-umpisa sila ng hindi maganda sa season ng 2022-2023, at hindi nila naisip na makakabangon pa ang Lakers, nang magsimula sila sa isang nakakahiyang record na 2 wins at 12 losses sa kanilang naunang 14 games.

Pero muli na namang pinatunayan ni LeBron na hindi dapat minamaliit ang koponan na kaniyang pinamumunuan.

At kahit na ba na hindi lamang si LeBron ang naging dahilan ng napakalaking panalong iyon para sa kanila, dahil iyon ay team effort talaga, pero may malaking ginampanan pa rin si LeBron sa game na iyon.


Ngayon ang Lakers ay tutungo na sa susunod na round at kahaharapin kung sino ang mananalo sa serye ng Sacramento Kings at ng Golden State Warriors.

At kung sinoman ang mananalo sa dalawa, sana ay natuto na sila sa naging pagkakamali ng Grizzlies, na huwag munang masyadong magdadadada at maliitin ang Lakers, dahil baka magaya sila sa Memphis.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.