Klay Thompson masaya at naisablay ni Harrison Barnes ang kaniyang pampanalong tira.
Wala namang anumang laban itong si Klay Thompson sa kaniyang dating kakampi na si Harisson Barnes, pero nitong Game 4, naging masaya itong si Klay at naisablay ni Barnes ang kaniyang pampanalong tira.
Inamin ito ni Thompson pagkatapos ng kanilang game, sa isang postgame interview sa kaniya, at sinabi niya na talagang ipinagdasal niya na sumablay ang tirang iyon ni Barnes.
Nagkaroon talaga ng pagkakataon na maipanalo ng Kings ang laban, matapos na sila ay makaiskor ng 4 points, 40 seconds na lang ang nalalabi sa oras, at naging isa na lamang ang kalamangan ng Warriors sa kanila, 126-125.
Matapos na maisablay ni Thompson ang kaniyang pull-up jumper, upang madagdagan sana ang kanilang kalamangan, nagkaroon ang Kings ng pagkakataon para sa isang comeback win sana.
Ang kaso, na double team itong si De'Aaron Fox habang papaubos na ang oras, kaya napilitan siyang ipasa ang bola kay Barnes na bahagyang na libre sa wing.
Binitawan ni Barnes ang kaniyang tira, dahil paubos na ang oras, kaso nga lang, mga idol, tumama lang sa rim ang kaniyang tira at tumalbog palabas, at tumunog na nga ang buzzer.
Kaya naman si Klay, mga idol ay tuwang-tuwa na naisablay ni Barnes ang kaniyang tira, dahil kailangang-kailangan daw talaga nila ang panalong iyon.
Kinabahan daw itong si Klay sa tira na iyon ni Barnes, at inasahan daw talaga niya na maisablay iyon ni Barnes.
Minsan daw kailangan din nila ng ganoong break, at malaking panalo raw iyon para sa kanila, at napakagandang pagdepensa raw ang nagawa nilang iyon sa huli.
Ngayon babalik sila sa Sacramento para sa Game 5, pero ang pagbalik ng Warriors doon ay hindi na gaya ng dati, ngayon ay punong-puno na sila ng kumpiyansa dahil sa dalawang magkasunod na panalo na nakuha nila.
Ang pagsablay na iyon ni Barnes ay napakagandang timing para sa Warriors, dahil kung naipasok ni Barnes iyon, iba ang magiging istorya natin ngayon.
Comments
Post a Comment