Klay Thompson humanga sa pagpayag ni Draymond Green na maglaro mula sa bench sa Game 4.
Proud na proud nga itong si Klay Thompson para sa kaniyang kakampi na si Draymond Green, dahil sa pagpayag niya na maglaro mula sa bench sa Game 4 ng laban nila sa Sacramento Kings.
Ikinagulat nga ng karamihan na makita na hindi nag-start itong si Green para sa Warriors sa Game 4, matapos na hindi siya nakapaglaro n'ung Game 3 dahil sa pagkakasuspinde.
Ang dahilan daw nito ay dahil sa nagustuhan daw ng Warriors ang kanilang naging spacing n'ung Game 3 habang suspendido nga itong si Green, at gusto raw nilang maulit iyon.
Pero hindi pa rin magiging posible iyon kung hindi pumayag itong si Green sa planong iyon ng kanilang koponan.
Mabuti na lang at handang magsakripisyo nitong si Green para sa Warriors, kung iyon naman daw ay magbibigay sa kanila ng panalo.
At nagbunga nga iyon ng panalo para sa kanila, na ngayon ay naitabla na nila ang serye sa 2-2, matapos na talunin nila ang Kings sa score na 126-125 sa Game 4.
Gumana nga ang plano ng Warriors, bagaman hindi iyon naging perpekto at madali, nakuha pa rin naman nila ang panalo.
Sa Game 5, hindi pa natin alam kung ano naman ang susunod na gagawin ng Warriors, pero ngayon, nakakatiyak na sila na handa itong si Green sa lahat ng ipagagawa sa kaniya para sa ikapagtatagumpay nila.
At bagaman marami man ang may ayaw dito kay Green, pero isang bagay ang malinaw dito, mahalaga siya para sa Warriors at sa mga gagawin pa nila, at alam ito ni Thompson at ng kabuoan ng koponan ng Warriors.
Comments
Post a Comment