Kevon Looney ikinumpara ang sarili niya kina Steph Curry at Klay Thompson.



Nag-ala Draymond Green nga itong si Kevon Looney laban sa Sacramento Kings, sa must-win nilang laban sa Game 3, habang suspendido nga sa game itong si Dray.

Si Looney ay nagtapos sa game na may 4 points, 20 rebounds at 9 assists sa Chase Center, at ang Warriors ay nanalo laban sa kanilang katunggali sa Northern California, 114-97.


Pagkatapos ng game, hindi ikinumpara ni Looney ang kaniyang naging paglalaro kay Green, na ang mas naramdaman nga doon ay ang kaniyang offensive rebounds, na siya ay nakahakot ng siyam doon.

9 offensive boards ang nakuha ni Looney, mga Idol, na usually, si Draymond Green ang gumagawa n'un para sa kanila.

At ang rebounding na iyon ni Looney ay ikinumpara niya sa kung ano ang pakiramdam na kapag sina Stephen Curry at Klay Thompson ay nag-init sa pagpuntos sa tres.


Ibig sabihin, kung papaano na, pakiramdam nina Curry at Thompson na papasok lahat ng tira nila sa malayo, ganoon ang pakiramdam ni Looney, na pakiramdam niya, makukuha niya ang lahat ng rebounds.

At dahil din doon, ginanahan sa laro ang kaniyang mga kakampi.

Sa pangunguna ni Lonney, ang Warriors ay nakakuha ng 18 offensive rebounds sa Game 3, ito ay pang-apat sa pinakamaraming nakuha sa isang game ngayong season.


Na doble rin ng Warriors ang kanilang second-chance points sa Kings, sa bilang na 24, kung saan, ang karamihan doon ay ramdam ang impact ni Kevon Looney.

Maganda rin ang naging partisipasyon ni Looney sa kanilang mga pick-and-rolls, na lumikha para sa kanila ng mga open looks sa tres 'o kaya ay mga layups sa basket.

Sa Game 3 ay naitabla rin ni Kevon Looney ang kaniyang career-high 9 assists.


Dahil doon, mga idol, ang tanging nasabi na lang ni head coach Steve Kerr ay, mas madali raw ang laro sa kanila kapag nandoon si Looney.


Ngayon, mga idol, ang kailangang gawin ng Warriors ay ipanalo ang Game 4 sa kanilang tahanan, at ang unang round nilang laban sa Sacramento ay mas magiging kapanapanabik.

Magiging tabla ang serye sa 2-2, at magiging best of 3 games na ang kanilang sagupaan.

Ang Game 4 ay magaganap sa Chase Center sa Lunes, April 24, 3:30 ng umaga, Pinas time.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.