Kevin Durant napa-Wow sa 45-point Game 3 performance ni Devin Booker.
Ipinakita nga ng Phoenix Suns sa Game 3 ng sagupaan nila ng Los Angeles Clippers sa unang round, kung bakit sila ang paborito na manalo sa West, matapos na makuha nila ang panalo laban sa Clippers sa Crypto.com Arena.
Pero kahit na ba na wala ang mga pangunahing manlalaro ng Clippers, ibinigay naman nila ang lahat nilang makakaya laban sa Suns.
At kung sa ibang araw siguro nagawa ni Norman Powell ang kaniyang 42 points sa laro, malamang sila ang nanalo.
Ang kaso, hindi nagpatalo itong si Devin Booker kay Powell, at siya naman ay umiskor ng 45 points, upang maibigay sa Suns ang panalo sa Game 3.
Kaya naman, ang kakampi ni Booker na si Kevin Durant ay pinuri siya dahil sa kaniyang napakagandang paglalaro.
At inasahan na raw ni Durant na magkakaroon ng ganoong klaseng paglalaro itong si Booker sa punto ng kaniyang career ngayon, lalo na sa playoffs.
Sinimulan nga ni Booker ang serye laban sa Clippers na may mainit na paglalaro, na siya ay umiskor ng 26 points sa Game 1, at 38 points naman ang nagawa niya n'ung Game 2, at nito ngang Game 3, siya naman ay nagtapos na may 45 points.
Pero sa kabila na tinalo ng Suns ang Clippers sa Game 3, lumaban naman ang Clippers hanggang dulo sa kanilang tahanan, kahit na ba na wala nga sa kanila sina Kawhi Leonard at Paul George.
Si Norman Powell ang nagstepped up ng malaki para sa Clippers, na siya ay hirap din naman mapigilan sa loob ng court.
At kung si Booker ay hindi nagpamalas ng matinding abilidad niya sa scoring, baka natalo pa dito ang Phoenix.
Para naman kay Kevin Durant, maganda rin ang inilaro niya, gaya ng palagi na niyang ginagawa.
Siya ay nagtapos na may 28 points, 8-of-15 shooting, 6 rebounds, 5 assists at 2 steals.
Ang kaniyang anim na turnovers ay nakakabahala, pero nakuha naman nila ang panalo at iyon ang mahalaga.
Comments
Post a Comment