Kamuntikan nang matalo ni LeBron James ang Grizzlies sa buzzer sa kaniyang tira sa kabilang court.



Marami na ngang naipasok na tira itong si LeBron James, mga KaDribol, kaya nga siya ngayon ang all-time leader sa points sa NBA.

Pero kamuntikan na niyang maitala ang isa sa magiging pinakamagaling sana niyang tira, sa pagtatapos ng regulation ng laban nila sa Memphis Grizzlies sa Game 4.

Matapos na magawa ni Anthony Davis ang isa sa pinakamahalagang butata sa game laban sa tira ni Ja Morant, 0.8 seconds na lang ang nalalabi sa oras, napunta kay LeBron ang bola, at ibinato niya ito mula sa kabilang court.


Pumasok ang tirang iyon ni LeBron, pero nahuli lang ng bahagya, dahil naubos na ang oras, kung hindi, nakuha na sana agad ng Lakers ang panalo.

Pero nakakaloka pa rin ang tirang iyon ni LeBron, kahit na ba na hindi na iyon naibilang pa, nangyari kasi iyon sa harapan ng mga fans ng Lakers na nasa Crypto.com Arena.

Kung umabot sana iyon sa oras, hindi na sana nag-overtime pa, at nakuha na sana kaagad ng Lakers ang 3-1 na kalamangan sa serye.


Pero okay lang 'yun, mga KaDribol, dahil nakuha pa rin naman nila ang panalo sa overtime, nang ma-outscored nila ang Memphis 13 to 7, at lamang na nga sila ng dalawang games sa serye laban sa Grizzlies, 3-1.

Nagtapos si LeBron na may 22 points, 8-for-18 shooting sa field, 20 rebounds, 7 assists, at 2 blocks, sa 45 minutes niyang paglalaro.

At si LeBron din ang pumuntos upang madala ang game sa overtime, sa pamamagitan ng kaniyang layup, bago naman nangyari ang mahalagang block ni AD kay Morant.


Ngayon, may pagkakataon na ang Lakers na tapusin ang serye nila ng Grizzlies sa balwarte ng Memphis sa Huwebes, April 27, 7:30 ng umaga, Pinas time.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.