Kalunos-lunos na pagkatalo raw ang nakuha ng Warriors sa Game 6 laban sa Kings ayon kay Stephen A. Smith.



Nagkaroon nga ng pagkakataon ang Golden State Warriors na isara na ang serye nila sa unang round laban sa Sacramento Kings sa kanilang tahanan.

Pero ang nangyari, hindi nila nagawa, at sila nga ay natalo sa Kings sa score na 118-99, sa pangunguna ni Malik Monk na nagtapos na may 28 points, 7 rebounds at 4 assists.

Na sinundan ni De'Aaron Fox na may 26 points, 4 rebounds at 11 assists, at si Keegan Murray naman ay nakapag-ambag ng 15 points, 12 rebounds at 2 assists, at si Trey Lyles ay nagkaroon ng 12 points at 9 rebounds.


Sina Domantas Sabonis at Terrence Davis ay kapuwa nakapag-ambag ng tig-7 points, 11 rebounds at 4 assists kay Sabonis at 2 rebounds at 2 assists kay Davis.

Si Harrison Barnes ay may 6 points at 4 rebounds, at si Davion Mitchell ay may 5 points, 3 rebounds at 2 assists.

Samantalang sa Warriors, sila ay pinangunahan muli ni Stephen Curry, 29 points, 4 rebounds at 5 assists, na sinundan ni Klay Thompson, 22 points at 2 rebounds.


Si Andrew Wiggins ay nagtapos na may 13 points at 7 rebounds, at si Moses Moody ay may 9 points, 1 rebound at 1 assist.

Sina Kevon Looney at Jordan Poole ay may tig-7 points, 13 rebounds at 1 assist kay Looney, at 1 assist kay Poole.

Si Donte DiVincenzo ay may 8 points, 4 rebounds at 2 assists, at si Draymond Green ay may 4 points, 4 rebounds at 10 assists.


At upang sila ay umabante sa susunod na round, kailangan ng Warriors na manalo sa Game 7 sa road.

Pagkatapos ng nakakadismayang Game 6 ng Golden State, si Stephen A. Smith ay nagkaroon ng paniniwala na ang pagkatalo na iyon ng Warriors ay kalunos-lunos.

Napakatamlay daw ng naging performance ng Warriors, at ipinakita raw nila na parang hindi sila interesado na maglaro, ang sabi ni Stephen A. Smith.


Gaya na lang ni Jordan Poole, na nagkaroon ng kaniyang pinakamalalang paglalaro sa buong season, sa pagkatalo nilang iyon.

Naka-iskor nga lang siya ng pito, 2-for 11 shooting lang siya at may turnover pa, at isang sablay na dunk sa 4th quarter.

Alam din natin na hirap manalo ang Warriors sa road n'ung regular season, at ngayon, kailangan nilang manalo sa isang napakalaking raod game nila sa season, upang maisalba lang ang pag-asa na makuha muli nila ang kampeonato.


Ang 11 wins at 30 losses na road games ng Warriors ay pang-apat na malala sa mga koponan sa NBA, sana lang ay makabawi ang Warriors sa Sacramento sa magiging laban nila sa Lunes, sa Game 7.



Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.