Jayson Tatum at Jaylen Brown ang pinakamagaling na duo ngayon sa NBA.



Ang mga stars ng Boston Celtics na sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ay patuloy na pinatutunayan na sila ang pinakamagaling na duo sa NBA ngayon at maging sa buong kasaysayan.

Parehong nakapagtala ng tig-31 points sina Tatum at Brown sa game, at tinalo nga nila ang Atlanta Hawks sa Game 4, sa kanilang serye nitong Lunes.

 
Si Tatum ay nakapagtapos din na may 7 rebounds, 4 assists at 3 blocks, at si Brown naman ay nakapag-ambag ng 4 rebounds at 3 assists, sa 129-121 na panalo nila sa Hawks.

23 times na ito na sina Tatum at Brown ay kapuwa nakaiskor ng nasa 30 points sa isang game sa regular season at sa playoffs, at sa lahat ng mga laban na iyon, sila ay nakapagtala ng record na 22 wins at isa lamang talo.

Ang kanilang 95.7 win percentage ay ang pinakamagaling sa mga duos na naglaro ng nasa 20 games na kapuwa nagkaroon ng 30 points sa isang game sa kasaysayan ng NBA.


Pero kailangan pa rin naman nina Tatum at Brown na maglaro pa ng maraming games, at ipakita na maipagpapatuloy nila na pangunahan ang Celtics sa maraming tagumpay, upang mapagtibay na nilang dalawa ang pagiging GOAT duo.

Gayun pa man, wala naman nang duda na patungo na sila doon, at ang magwagi ng kampeonato ang lalong magpapatibay na sila na nga ang pinakamagaling na duo sa kasaysayan ng NBA.


Nasa magandang kalagayan na rin sila upang maabot iyon, lalo na ngayon na sila na ang nauuna sa serye nila laban sa Atlanta Hawks, 3 to 1.


Isa nga ang Celtics na paborito na magkampeon ngayong season, at sa magandang ipinakikita na paglalaro nina Tatum at Brown, hindi mahirap isipin pa kung bakit nga ang Celtics ay isa sa paborito na makakuha ng titulo ngayong taon.




Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.