Jalen Green iti-trade na ng Houston Rockets para sa isang mas mabisang star player.



Marami nga ang naniniwala na ang Houston Rockets ay gagawa ng malaking pagbabago sa offseason, pero kakaunti lamang ang naniniwala na si Jalen Green ay isasama sa isang potensiyal na trade package.

Kundi ang iniisip ng nakararami ay kung sinong star ang kukunin ng Rockets upang itambal nila kay Green, kay Green na naging mukha na ng kanilang prankisa matapos na makuha siya ng Houston bilang second overall pick n'ung 2021 NBA Draft.

Pero may mga naglalabasang balita na ang Rockets daw ay pinag-iisipan na isama si Green sa trade package upang makakuha ng mas mainam na talentadong star.


Matagal na ngang nali-linked ang Rockets kay James Harden ng Philadelphia 76ers at kay Jaylen Brown ng Boston Celtics, kasama rin daw si Khris Middleton ng Milwaukee Bucks.

Pero ang kaisipan na i-trade si Green para sa mga injured stars na sina Harden at Middleton ay hindi maganda, kundi mas okay na tignan ng Rockets ang potensiyal trade kay Brown, na mas mabisang scorer kaysa kay Green.

Sa kabilang banda, mas magaling na passer si Green kaysa kay Brown, pero silang dalawa ay kilala bilang mga manlalaro na una score bago pasa.


Ibig lang sabihin nito, pinag-iisipan talaga ng Rockets na iimprove ang kanilang koponan, kung isasama nga nila sa isang potensiyal trade package itong si Green.

Magbuhat kasi ng mai-trade ng Rockets itong si Harden, hindi na sila naging playoff contender, kaya naman ang ibalik sa kanila si Harden ay isa sa kanilang pinag-iisapan na sa ngayon.
 
Anuman ang gagawin ng Rockets sa offseason, isa lang ang malinaw dito, ibig nilang may mapuntahan na ang kanilang koponan sa susunod na season, kahit na ba na magresulta pa ito ng pagtrade nila kay Jalen Green.


Ang Houston Rockets ay nagtapos sa regular season na pangalawa sa huli sa West na may record na 22 wins at 60 losses, at si Green ay nag-averaged ng 22.1 points, 3.7 rebounds at 3.7 assists,  41.6% shooting sa field, 33.8% sa tres at 78.6% sa free throw line.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.