Ja Morant naging tampulan ng pang-aasar matapos na tapusin na sila ng Lakers sa unang round ng playoffs.
Laman na nga ng mga kantiyaw at pang-aasar itong si Ja Morant, matapos na sila ay matalo sa serye laban sa Los Angeles Lakers, dahil nga sa sinabi niya na sila raw ay "fine in the West."
Ipinahiya nga ng todo nitong si LeBron James at ng Lakers ang Memphis Grizzlies, nang sila ay tinapos sa anim na games, 4-2.
At ang pagsasara sa Game 6 ay napakalupet, dahil hindi na binigyan pa ng Lakers ng pagkakataong makabalik sa game ang Memphis.
Nanguna ang Lakers sa 1st half, 59-42, at hindi na nga lumingon pa, at tinapos nila ang game sa score na 125-85.
At si Morant na naging kakulangan para sa Memphis, na nagkaroon lamang ng 10 points, sa kaniyang 3-of-16 shooting, ay nakatanggap ng mga kantiyaw at pang-aasar, hindi lang dahil sa pangit niyang performance, kundi dahil na rin sa ang sinalita niya ay hindi niya nagawa.
Sinabi kasi ni Morant n'ung December at ipinamukha sa kabuoan ng Western Conference na ang malaking panganib lang daw para sa kanila ay ang Boston Celtics, at okay lang daw sila sa West.
Habang sinasabi ng ilan na okay lang daw na maging astig at magkaroon ng kumpiyansa sa sarili, pero huwag naman siguro maging sobra sa kumpiyansa, lalo na kung wala pa talagang napatutunayan pa.
Tapos ang nagpalala pa rito, ang Memphis ang 2nd seeded sa West, samantalang ang Lakers ay pampito lamang, na talagang malaking dagok para sa koponan ng Memphis Grizzlies.
Sana lang sa susunod, bago magbitaw ng salita itong si Ja Morant patungkol sa maipapanalo nila ang West, sana ay iyong tiyak na siya na magagawa nga nila, upang hindi na maulit ang nararanasan niya ngayon.
Comments
Post a Comment