Injury status ni Anthony Davis para sa Game 5 laban sa Grizzlies ano ang lagay niya?
Alam naman na natin, mga KaDribol na hindi magandang tanawin sa tuwing babagsak si Anthony Davis sa sahig, dahil may reputasiyon na nga itong si Davis na malambot sa laro.
Ilang beses din natin siyang nakita na bumagsak n'ung Game 4, kung saan nakuha nila ang panalo laban sa Memphis Grizzlies, mabuti naman at nagagawa niyang makabangon na walang iniindang anumang sakit.
Pero siya ay nakalista pa rin sa injury report ng Lakers para sa Game 5 sa darating na Huwebes, kaya abangan pa rin natin kung siya ba ay maglalaro o hindi, pero mas mataas pa rin ang tyansa na maglalaro pa rin siya.
Dahil probable naman ang status ni AD sa injury report ng Lakers para sa Game 5, gaya ng lagi nang inilalagay sa kaniya.
At isa pa, mga KaDribol, ang dahilan kung bakit patuloy nilang inilalagay sa injury list itong si Davis ay dahil sa pananakit pa rin ng kaniyang paa, ibig lang sabihin, n'ung Game 4, wala siyang nakuhang injury doon.
Pero may lumabas din naman na report mula sa Lakers na nasaktan daw ang balakang ni Davis n'ung Martes, at sinabi rin naman ni head coach Darvin Ham na si Davis ay kukuha ng round-the-clock treatment.
Pero hindi naman nga ang balakang ni Davis ang naging dahilan kung bakit siya ay nasa listahan ng injury report ng Lakers para sa Game 5, kaya wala talagang dapat ipag-alala pa ang mga fans ng Lakers patungkol doon.
Matapos na makuha ng Lakers ang panalo n'ung Martes, sa isang overtime game, ang Lakers ngayon ay nauuna na sa Grizzlies sa kanilang best-of-7 series, 3-1 na ang kartaga sa panig ng Lakers, mga KaDribol.
Isang panalo na lang at makakausad na ang Lakers sa susunod na round, at alam na rin naman natin, na bihira lang ang nakakaahon pa sa 3-1 na pagkakalubog.
Asahan na natin na itotodo nang lahat ng Lakers ang kanilang magagawa sa darating na Game 5, upang tapusin na ang serye nila laban sa Memphis Grizzlies.
Comments
Post a Comment