Injury report ng Lakers sa Game 3 laban sa Grizzlies pasok pa rin si LeBron James.
Kailangan nga ng Lakers ang panalo sa Game 3 sa Linggo, dahil kapag ang Memphis Grizzlies ang mananalo, mauuna na sila sa serye, 2-1, na magbibigay ito ng pressure sa Lakers na kunin ang panalo sa Game 4, bago lumipat sa balwarte uli ng Memphis.
Nakakapagdagdag pa ng pangamba para sa mga fans ng Lakers ay ang injury report ng kanilang koponan, na gaya ngayon, nasa injury report pa rin si LeBron James, at may duda sa kung maglalaro ba siya sa Game 3.
Hindi na bago sa atin na lagi nang nakalista sa injury report itong si LeBron, mga KaDribol, palagi naman na nila siyang inilalagay doon kada laro.
Kaya ganoon na naman ang kaso niya sa laban nila sa Linggo, na siya ay nailista na probable to play.
Pero alam na rin naman na natin, mga KDribol, na maglalaro pa rin naman si LeBron kahit na nasa injury report pa siya, kaya wala tayong dapat na ipag-alala pa.
Matagal nang inilalagay ng Lakers sa ganitong status itong si LeBron, at baka manatili na siyang ganito hanggang matapos ang season.
Hindi lang si LeBron ang natagged na probable, sina Anthony Davis at Dennis Schroder din naman ay nasa injury list ng Lakers, pero maglalaro naman sila panigurado sa Game 3 sa Linggo.
Ang malaking katanungan na lang dito, mga KaDribol, ay itong si Ja Morant, kung siya ba ay makakapaglaro na sa Game 3.
Nakakuha nga ng panalo ang Grizzlies sa Game 2, kahit na ba hindi naglaro sa kanila si Morant, kaya mataas pa rin ang chance na magawa nila ito sa Game 3, kahit na hindi pa rin makapaglaro itong si Morant.
Pero dahil sa magaganap na ang Game 3 at 4 sa tahanan ng Lakers, mas mataas ang chance na manalo ang Lakers, kaya napakahalaga para sa Memphis na makapaglaro na sa kanila itong si Morant.
Ang Game 3 ay magaganap sa Linggo, sa Cryto.com Arena, April 23, alas dyes ng umaga, Pinas time.
Comments
Post a Comment