Giannis Antetokounmpo hinarap ang isang reporter patungkol sa kabiguan dahil sa pagkatalo ng Bucks sa Heat.



Hinarap nga ni Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo ang isang reporter nang siya ay matanong nito kung ang season ba na ito ay kabiguan para sa kanila, matapos na sila ay malaglag na sa unang round.

Natalo nga ang Bucks sa Miami Heat sa Game 5, at ang playoff run ng Milwaukee ay nagtapos sa isang nakakadismayang pangyayari.

Sapagka't sila ay pumasok sa postseason na isa sa paborito na makakakuha ng titulo, lalo na at sila ang nakakuha ng No.1 seed sa East, pero ang nangyari, tinalo sila ng 8th seeded, na bihirang mangyari sa liga, na ang 1st seeded ay matatalo sa 8th seeded.


Kaya naman, tinitignan ito ng karamihan na malaking kabiguan para sa Milwaukee Bucks, pero iba ang nakikita rito ni Antetokounmpo, kaya naman, nasaktan siya nang ang isang reporter ay ganoon ang nakikita sa kanila.

Bagaman, pakiramdam ni Giannis na sila ay nabigo dahil sa maagang pagkalaglag sa playoffs, pero ipinaliwanag naman niya kung bakit na ang naging talo nila sa Miami ay hindi isang kabiguan, ayon sa kaniyang paniniwala.

Binanggit ni Giannis si Michael Jordan, na nanalo lamang ng anim na kampeonato buong career niya, at sinabi na 15 years na naglaro sa NBA itong si MJ, ibig raw bang sabihin na ang siyam na taon niya ay kabiguan nang lahat iyon? Wala raw kabiguan sa sports, pagpapaliwanag ni Giannis.


May mga araw daw na maganda, at may mga araw daw na pangit, minsan daw magtatagumpay ka at minsan naman ay hindi, hindi raw palaging panalo ang makukuha, ganiyan daw ang sports, hindi raw kabiguan iyon, kundi isang hakbang daw ang nangyari sa kanila patungo sa isang pagtatagumpay.

Medyo nagalit nga ng bahagya si Giannis sa nangyari, ayon na rin sa naging timbre ng boses niya at ng kaniyang reaksiyon, nang tanungin nga siya patungkol sa pagkatalo nila sa serye, pero may punto naman siya sa mga sinabi niya.

Ang nagiging basehan kasi minsan ng karamihan ay kung ikaw ba ay nananalo o natatalo, at kapag sa ganito tayo babase, sasabihin nga natin na ang season ng Bucks ay naging isang kabiguan.


Pero para kay Giannis, naiintindihan daw niya na ito ay isang proseso at hindi sila mananalo taon-taon.

Mahirap din naman sisihin ang reporter na nagtanong sa kaniya, lalo na at malaki nga talaga ang inasahan sa Milwaukee  Bucks sa postseason.

Pero gaya nga ng sinabi ni Giannis, minsan mananalo ka, minsan matatalo ka, dapat mo lang matanggap ang mga iyon, kailangan mo lang matuto sa mga naging pagkakamali mo at magpatuloy.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.