Draymond Green nagsalita na patungkol sa pagkakasuspinde niya sa Game 3 ng laban nila sa Kings.


by SPORTS NATIN 'TO.

Hindi nga nagsalita agad itong si Draymond Green, matapos na inanunsiyo ng NBA ang pagsususpinde sa kaniya para sa Game 3 ng kanilang laban sa Sacramento Kings.

Pero ngayon ay binasag na niya ang kaniyang katahimikan, nang siya ay magpost sa social media gamit ang kaniyang instagram.


Nung Miyerkules nga, mga idol, inanunsiyo ng NBA na itong si Green ay suspendido ng isang game, dahil sa ginawa nitong pagtapak kay Domantas Sabonis, sa naging laban nila nung Martes.

Sa game, pinatawan si Green ng Flagrant 2 foul at automatic ejection, at pagkatapos, nagdesisyon na ang liga na siya ay suspendihin dahil sa "unsportsmanlike acts."


Habang ang karamihan ay nag-isip na agad na magre-react si Green sa kaniyang pagkakasuspinde, pero walang narinig kay Green matapos na maianunsiyo iyon ng NBA.

Marahil ay nakinig itong si Green sa advice sa kaniya ng kanilang GM na si Bob Myers, na h'wag munang pansinin iyon, at magpahinga na lang muna bago magbigay ng kaniyang saloobin sa publiko patungkol doon.


Hindi man tinumbok ni Green sa kaniyang post sa IG ang patungkol sa pagkakasuspinde niya, pero mukhang ipinakikita niya doon na hindi siya apektado sa kung anumang issue ang nakapalibot sa kaniya.

Sa post niyang iyon ay ibinahagi niya ang isang video na nakikipagsalitaan siya sa mga fans ng Kings, kasunod ng pagkaka-eject sa kaniya sa Game 2, isinulat din niya ang katagang "Because winners always win."


At dahil nga sa pagsuspinde kay Green, hindi siya makakapaglaro sa Game 3, kaya hintayin na lang natin ang Game 4, at doon ay pupwede na nga uling maglaro itong si Green.

Sinabi din ni Myers, GM ng Warriors, na wala na silang magagawa pa sa pagkakasuspinde kay Green, kaya hindi na sila mag-aapela pa.

Sinabi din niya na wala namang magbabago, kahit na ba na hindi makakapaglaro itong si Green.


Sa ngayon, mga idol, hindi pa natin alam kung papaanong mag-aadjust ang Warriros sa Game 3 na wala si Green, pero panigurado, hindi magiging madaling laban iyon para sa kanila.

Lalo na at nauuna na sa kanila ang Sacramento sa serye, 2-0.

Visit SPORTS NATIN 'TO
(YouTube Channel)

Follow us on our FB Page
Top Sports PH.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.