Draymond Green naghalimaw sa Game 5 laban sa Sacramento Kings.



Gagawin nga ni Draymond Green ang lahat makuha lang ang panalo, kaya gustuhin man natin siya o hindi, gagawin pa rin niya ang gusto niya, manalo lamang sila.

Walong taon na siyang nagpapamalas ng magandang pagdepensa para sa koponan ng Golden State Warriors, at sa paglipas ng panahon, siya rin ay naging isa sa magagaling na playmaker ng liga.

At dahil sa mga kakayahan na iyon ni Green, naging eksakto siya na maging kasama nina Stephen Curry at Klay Thompson.


Pero ang epekto niya sa game ay unti-unting nabawasan, lalo na pagdating sa scoring, pero nitong Game 5 laban sa Sacramento Kings, ipinakita sa atin ni Green na kaya pa rin naman niyang umiskor.

At talaga namang nagustuhan iyon ni Steve Kerr, mga idol, katunayan, tinawag pa nga raw ni Kerr itong si Green na "Draymond Nowitzki", matapos na gawin nito ang vintage one-legged fadeaway na signiture move ni Dirk Nowitzki, sa isang mahalagang sandali ng laban.

At kung natatandaan niyo pa, mga idol, nagawa na rin niya ito dati, noong 2022 NBA Finals, isang midrange jumper, sa harapan ni Robert Williams lll ng Boston Celtics.


At nagawa niya iyon sa gitna ng mga katanungan patungkol sa kaniya, kung kaya pa ba niya na makapag-ambag sa opensa, at baka raw kasi ang kaniyang kakulangan sa opensa ang maging dahilan na hindi sila ang magkampeon, pero sila ang nagkampeon n'un, mga idol.

Nagtapos itong si Green sa panalo ng Warriors na nagtapos sa score na 123-116 laban sa Kings, na may 21 points, 4 rebounds, at 7 assists, 8-of-10 shooting mula sa field, 1-of-2 sa tres, at 4-of-8 sa free throw line, na siya ay galing pa niyan mula sa bench, mga idol.

Pinangunahan pa rin ni Stephen Curry ang Warriors sa scoring, at siya ay nagtapos na may 31 points, 2 rebounds at 8 assists.


Si Klay Thompos naman ay nakapag-ambag ng 25 points, 2 rebounds at 1 assists.

Si Andrew Wiggins ay may 20 points at 4 rebounds, si Jordan Poole naman ay may 10 points, 3 rebounds at 6 assists.

Si Gary Payton ll ay may 8 points at 6 rebounds, si Kevon Looney naman ay may 4 points, 22 rebounds at 7 asssits.


Samantalang sina Donte DiVincenzo at Moses Moody ay kapuwa nakapagdagdag ng tig-2 points.

Sa Kings naman, mga idol, sila ay pinangunahan pa rin ni De'Aaron Fox sa scoring, 24 points, 7 rebounds at 9 assists.

Na sinundan nina Domantas Sabonis at Malik Monk, na kapuwa may tig-21 points, 10 rebounds at 4 assists kay Sabonis, at 5 rebounds at 3 assists naman kay Monk.


Sina Keegan Murray at Davion Mitchell ay kapuwa may tig-10 points na ambag, habang si Harrison Barnes naman ay 13 points, at si Kevin Huerter ay 9 points.

Si Trey Lyles ay 5 points, at si Alex Len ay 3 points.

Pero iba pa rin ang Draymond Green na nakita natin sa Game 5 na ito, mga idol, at kakailanganin ng Warriors ang ganitong klaseng Draymond Green sa Sabado, sa harap ng kanilang mga fans sa kanilang tahanan, upang maisara na nila ang serye laban sa Sacramento.




Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.