De’Aaron Fox nagsalita patungkol sa magiging laban nila sa Game 7 laban sa Warriors.



Muli na naman ngang pinangunahan ni De'Aaron Fox ang Sacramento Kings para sa isang panalo sa Game 6 ng laban nila sa Golden State Warriors, sa unang round ng playoffs, na nagtapos sa score na 118-99.

Naging dehado nga ang Kings sa pagpasok ng Game 6 dahil sa sila ay natalo na ng tatlong sunod ng Warriors, at ginanap pa ang Game 6 sa tahanan ng Golden State.

Pero nalalaman ni Fox at nang kaniyang mga kasama kung ano ang dapat gawin, at nagawa naman nila iyon ng tama.


Ngayon, nadala na nga nila ang serye sa Game 7, at babalik sila ng Sacramento para sa laban nila sa Lunes, na ang momentum ay nalipat na sa kanila, kaya't tinitignan na nga nitong si Fox ang magiging do-or-die nilang laban sa Lunes.

Malaking pagkakataon raw iyon, sabi ni Fox, dahil hindi naman daw lahat ay nararanasan ang Game 7, at halos karamihan daw na taga-Sacramento ay hindi pa nakaranas ng Game 7.

Binanggit din ni Fox ang naging performance ng kanilang koponan sa isang laban na hindi nila inakala na sila ang mananalo, marami nga raw kasi ang nag-isip na malalaglag na sila, pero iba naman ang nasa isip nila.


Maganda raw ang ginawa nila sa game, at sila raw ay nasa kontrol buong laro, at pakiramdam din daw niya na iyon na ang pinakamagandang laro na inilaro nila ngayong taon, pagpapatuloy pa ni Fox, mga idol.

Hindi pa nga tapos ang laban, kaya sa Game 7, panigurado itotodo na ng magkabilang koponan ang lahat nilang magagawa, makalipat lang sa susunod na round at huwag ang umuwing luhaan.

Winner-take-all na sa Game 7, mga idol, sino kaya ang mananalo at anong klaseng game kaya ang ating masasaksihan, abangan na lang natin iyan.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.