De’Aaron Fox maglalaro ba sa Game 5 laban sa Warriors kahit na siya ay may injury?



May natamo ngang injury itong si De'Aaron Fox, na nakuha niya n'ung Game 4 laban sa Golden State Warriros sa Chase Center, kaya ang malaking katanungan ay kung makakapaglaro ba siya sa Game 5 sa kanilang tahanan.

Ang sagot diyan ay, maglalaro raw siya sa Game 5 kahit na may bali pa ang kaniyang daliri, pero asahan na natin na hindi siya magiging 100 percent healthy sa magiging laban na iyon.

Bagaman na sinasabi pa ni Fox na humupa na ang pananakit ng kaniyang daliri, sinabi rin niya na okay na siya, pero sa lagay ng kaniyang injury, kung nangyari siguro ito sa regular season, baka masideline muna siya.


Inamin kasi ni Fox sa harap ng mga reporters, na siya ay dapat na mawawala ng isa hanggang dalawang linggo dahil sa injury niyang iyon, at dahil sa playoffs na nga ngayon, pakiramdam daw niya na kaya naman niyang ilaro ang injury niyang iyon.

Sinabi rin ni Fox na kaya pa rin naman niyang itira at hawakan ang bola kahit na may injury pa siya sa daliri.

Magandang balita ito para sa mga fans ng Sacramento, dahil kapag hindi makakapaglaro itong si Fox, malaking problema ang kakaharapin ng Kings kapag nagkagayon.


Sa apat na games na nailaro na niya sa serye nila laban sa Warriors, siya ay nag-aaverage na ng 31.5 points, 6 rebounds, 7 assists at 2.5 steals.

Ito ang kauna-unang postseason series niya sa kaniyang career, pero kung titignan natin itong si Fox, base sa kaniyang inilalaro, parang beterano na siya pagdating sa postseason.

Kaya kapag wala itong si Fox sa Sacramento sa mga susunod nilang mga laban pa, mahihirapan talaga sila na makipaglaban ng sabayan sa Warriors.


Sa ngayon abangan na lang natin, mga idol, kung ano ang ilalaro ni Fox sa Game 5 habang siya ay may injury, lalo na at hindi kailangan ng Kings na masyadong mag-ingat sa kaniyang kondisyon dahil tabla ang serye nila ngayon sa 2-2.

Kailangang protektahan ng Sacramento ang kanilang homecourt advantage, at samantalahin ang problema ng Warriors sa kanilang mga road games, lalo na at mukhang mahihirapan sila na talunin ang Warriors sa Chase Center.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.