Babalik nga ba si James Harden sa Houston Rockets?


by TOP SPORTS PH

Sinusubukan nga ngayon ni James Harden na manalo ng kampeonato sa koponan ng Philadelphia 76ers, pero ang pananatili niya sa koponan ng Sixers ay wala pang kasiguraduhan sa ngayon.

Sapagka't ang dati niyang koponan na Houston Rockets ay gusto siya na makuha muli at maibalik sa kanilang koponan sa darating na offseason.


At ang isang paraan lamang upang manatili pa rin daw si Harden sa Philadelphia ay kung sila ang makakakuha ng kampeonato ngayong taon.

Naging maganda naman ang pagkakapunta ni Harden sa 76ers, kung saan siya ay nakakakuha ng success bilang kanilang facilitator, sa gitna ng pangunguna naman sa opensa ni Joel Embiid para sa kanilang koponan.

Pero sa kabila ng mga success niya sa Philadelphia, ang magandang relasyon ni Harden sa Houston ay hindi pa rin nawawala.


At kahit na ba na nagtapos na ang mga araw ni Harden sa Rockets, nanatili pa rin naman ang pagmamahal at respeto ni Harden sa organisasyon ng Rockets at ganun din naman ang Rockets sa kaniya.

At kung matuloy man na makabalik si Harden sa Houston sa darating na summer, magiging magandang fit siya sa grupo ngayon ng Rockets.

At ang istilo ng paglalaro ni Harden ay mapapakinabangan talaga ng mga batang players ng Rockets.

Sa ngayon kasi, ang Rockets ay umaasa ng malaki sa nagagawa nina Jalen Green at Kevin Porter Jr., pero wala silang masasabi na tunay na point guard na magsisilbi sa kanila na pinaka-playmaker nila, at pwedeng mapunuan iyon ni Harden.


Ang karanasan din ni Harden bilang beterano sa liga ay magagamit nina Green at Porter Jr. para sa murang bahagi ng kanilang mga careers.

Lalo na at si Harden ay scorer pa rin naman, kaya malaking tulong talaga ang maibibigay sa kanila ng isang James Harden.

Sa ngayon, kailangan munang mag-focus ni Harden sa isang gawain kung papaanong tatalunin ang Brooklyn Nets sa unang round ng playoffs.


At kapag dumating na ang offseason, doon na natin makikita ang kahahantungan ng kinabukasan ni Harden sa liga, kung mananatili ba siya o lilipat na.

Visit TOP SPORTS PH
(YouTube Channel)

Follow us on our FB Page
Top Sports PH.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.