Anthony Davis nagsalita patungkol sa pangunguna na niya kay LeBron James sa Lakers.
Si LeBron pa rin naman, mga KaDribol ang may pinakamalaking pangalan sa roster ng Los Angeles Lakers, pero unti-unti ay nakikita natin na siya ay napapalitan na ni Davis sa pangunguna sa kanilang koponan.
Pinangunahan ni AD ang Lakers n'ung Game 3, kung saan siya ay nakapagtala ng 31 points at 17 rebounds, sa naging panalo nila laban sa Memphis Grizzlies, 111-101.
Pagkalipas ng isang araw pagkatapos ng panalo nilang iyon, natanong itong si Davis patungkol sa paghahain sa kaniya ng organisasyon ng Lakers bilang pangunahing manlalaro nila, kahit na ba na wala pang opisyal na deklerasiyon patungkol doon, pero halata naman na iyon, mga KaDribol.
Ang sabi ni Davis, kailangan daw na yakapin niya iyon, pero meron pa rin naman daw silang LeBron, at ginagawa lamang daw niya ang parte niya, binibigay sa kaniya ang bola, iiskor siya at gagawa ng mga plays, gawin daw iyon ng tama at gumawa rin naman ng mga tamang pagbasa.
Hindi naman na ito bago pa kay Davis, mga KaDribol, ang pangunahan ang isang koponan, pero iba ito kaysa sa dati, dahil ngayon ay nasa koponan na siya na gusto talagang magkampeon.
Kakaibang responsibilidad ang nakaatang ngayon sa kaniya, lalo na at ginagawa niya ito para sa Lakers, at aminado naman doon si Davis, mga KaDribol.
Comments
Post a Comment