Anthony Davis naghahalimaw sa pagbutata ng bola sa playoffs.


by KADRIBOL BASKETBALL.

Nag-aala Shaquille O'Neal nga itong si Anthony Davis ngayong playoffs mga KaDribol, nang siya ay magpamalas muli ng mala-halimaw na pagbutata ng bola sa Game 2 ng serye nila laban sa Memphis Grizzlies.

Butata dito, butata doon, ang ginawa ni Davis, na para bagang ipinamumukha niya sa Defensive Player of the Year na si Jaren Jackson Jr. kung papaano gumawa ng impact sa depensa.


Paano naman kasi mga KaDribol, bumutata lang naman si AD sa first half ng lima, na naglagay sa kaniya papasok sa teritoryo ni Shaquille sa kasaysayan ng Lakers.

At alam niyo ba mga KaDribol, na ang nagawa na ito ni Davis ay kaytagal nang hindi nakita sa Lakers, 25 years na mga KaDribol.

Si AD lang naman ang pangalawang player ng Lakers na nakagawa nito, ang magkaroon ng nasa limang pagbutata ng bola sa isang back to back na playoffs games.

Kaya kalimutan na muna natin ang pagkatalo ng Lakers sa Game 2, alam naman natin na babawi sila sa Game 3 and 4 sa kanilang tahanan.

Balik tayo kay AD mga KaDribol.


Si Davis nga ay nagkaroon ng pitong shot blocks sa Game 1, na ang huli ngang nakagawa ng ganito ay si Shaquille taong 1998.

Hindi lang iyan mga KaDribol, nagawa rin ni Davis ang nagawa ni Brook Lopez taong 2019, na nagkaroon ng atleats five block shots sa dalawang magkasunod na laban sa postseason.

Ambangis talaga ni AD sa pagbutata ng bola noh mga KaDribol, kaya nga halimaw talaga siya pagdating doon.

Siguro kung hindi lang dahil sa mga pagbutata na ito ni Davis, baka mas nakalayo pa ng malayong kalamangan ang Memphis sa Lakers sa Game 2 noh mga KaDribol.

Kaya napakahalaga talaga nitong si Davis para sa Lakers upang mapabagsak nila ang Grizzlies, at makapagpatuloy pa sila sa susunod na mga rounds ng playoffs.


At tignan nyo lang mga KaDribol, kapag naipagpatuloy ni Davis ang pagprotekta ng basket, at patuloy niyang bubutatain ang ilan sa mga tira ng kalaban, malamang iiyak talaga ang 2nd seeded na Memphis Grizzlies dahil naipahiya sila na 7th seeded na Los Angeles Lakers.

Visit KADRIBOL BASKETBALL
(YouTube Channel)

Follow us on our FB Page
Top Sports PH.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.