Ang tunay na dahilan kung bakit tumawag si Stephen Curry ng timeout sa Game 4 laban sa Kings.



Wala na nga tayong masasabi pa patungkol sa kahusayan ni Steph Curry sa paglalaro, at ang kaniyang walang katulad na galing sa pagshoot ng bola sa malayo, maging sa malapit ay talaga namang kamangha-mangha.

Na kung minsan, iyon ang nagiging dahilan upang siya ay makatakas sa sisi ng kanilang koponan, kahit na ba may nagawa siya na pagkakamali, gaya na lamang nang nangyari sa laban nila sa Sacramento Kings n'ung Game 4.


Lamang pa sila ng lima sa Kings, at 47 seconds na lang ang nalalabi sa oras, nang gulatin ni Curry ang lahat ng nandoon sa Chase Center, nang siya ay tumawag ng timeout, kahit na ba na wala na silang timeout pa na natitira.

Kaya naman, sila ay nagawaran ng technical foul, at naipasok ng Kings ang technical free throw, at pagkatapos n'un ay nakapuntos ng tres si De'Aaron Fox, na nagdala upang ang kalamangan ng Warriors ay maging isa na lamang.

Pero sinuwerte pa rin naman dito ang Warriors, kahit na ba na nakatawag pa ng maling timeout si Curry, at maging ang huling tira niya ay sumablay, ay nakaligtas pa rin sila sa pagkatalo sa Sacramento.


Inako naman ni head coach Steve Kerr ang pagkakamali, dahil hindi raw niya naitimbre sa kaniyang mga players na wala na silang timeout, dahil nga sa natalo sila sa isang challenge na hiningi nila, kaya nabawasan din sila ng timeout, kaya hindi raw kasalanan iyon ni Curry.


Ayon naman sa salaysay ni Curry, mga idol, hindi raw niya maisip kung kailan sila natalo sa challenge, na wala na pala silang timeout, at kahit na raw na inako pa ni Kerr ang pagkakamali, hindi raw siya magsisinungaling.

Inakala raw kasi niya na iyon ang tamang gawin sa mga oras na iyon, pero n'ung napatingin siya sa kanilang bench, ang lahat ay napapailing, hindi raw talaga magandang sitwasyon iyon, mga idol, ang sabi ni Curry.


Malamang ang ibang mga fans ng Warriors ay naghihintay ng mas magandang paliwanag patungkol doon, pero kahit na ganoon pa ang nangyari, umuwi naman sila na bitbit ang saya sa pagkapanalo ng kanilang koponan.

Lalo na ngayon na tabla na ang serye sa 2-2, at ngayon nga ay kakaibang pressure na ang dadalhin ng magkabilang panig, sa pagbalik nila sa Sacramento para sa Game 5.

Malaking bagay ang maibibigay ng karanasan at pagiging kampeon ng Warriors sa serye nilang ito, at pagkatapos ng pagkapanalo nila sa Game 4, na kamuntikan pang maagaw sa kanila ng Kings.

Ang Game 5 ay magandang pagkakataon para sa Warriors na mapatunayan nga nila, na malaki nga talaga ang magagawa para sa kanila ng kanilang karanasan at pagiging kampeon.


At dahil sa nangyari sa kanila n'ung Game 4, asahan na natin na babantayan nang mabuti ni Curry ang kanilang mga timeouts. 


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.