ANG NAGING REAKSIYON NI LEBRON JAMES SA GINAWA SA KANIYA NI DILLON BROOKS.
Nakikita naman na natin, mga KaDribol na ayaw namang nang patulan ni LeBron ang mga patutsada sa kaniya ni Dillon Brooks, at hangga't kaya niyang umiwas, iniiwasan niya ang mga tanong patungkol sa mga banat sa kaniya ni Brooks.
At isa na nga dito ay nung tanungin siya kung dapat lang ba na disiplinahin itong si Brooks, matapos na tamaan nito ang kaniyang pagkalalake sa 3rd quarter ng naging sagupaan ng Lakers at Grizzles sa Game 3, kung saan nakuha ng Lakers ang panalo sa score na 111-101.
N'ung tinanong si LeBron kung dapat bang suspendihin sa Game 4 itong si Brooks dahil sa kaniyang ginawa, ang sagot niya ay hindi raw niya alam.
Hindi raw siya parte ng komite, kaya kung nasa lineup man siya sa Game 4 o wala, kailangan pa rin daw nilang maghanda, at sabik na raw siya sa challenge na kakaharapin nila sa darating na Martes.
Sa naging panalo nga ng Grizzlies n'ung Game 2, dahil sa pang-aasar ni Brooks kay LeBron, sinabihan tuloy siya ni LeBron na siya ay isang bum o mahina, na hindi raw niya kayang bantayan itong si LeBron.
"You can't guard me", ika nga ni LeBron.
Ang naging sagot naman dito ni Brooks ay matanda na raw si Lebron, at hindi pa raw nagawa ni LeBron na umiskor ng 40 points sa harap niya.
Hindi nga umiskor si LeBron ng 40 points sa Game 3, pero kung nagawa man niya iyon, hindi naman iyon masasaksihan pa ni Brooks, pero ang pagiging agresibo ni LeBron mula sa simula ang nagbigay sa Lakers ng 35 to 9 na kalamangan sa 1st quarter.
Si Brooks naman ay natapos sa game na may 3-of-13 shooting sa field, bago siya sinipa sa game, at hindi na nagreklamo pa sa naging hatol sa kaniya.
Ngayon, nasa NBA na lang ang magiging kapalaran ni Brooks para sa Game 4, kung siya ba ay sususpendihin o hindi, kaya abangan na lang natin ito, mga KaDribol.
Sinabi naman ni Ja Morant na baka ang mga nakaraang nagawa ni Brooks ay ang maging batayan ng liga upang siya ay masuspinde, gaya ng ginawa nila kay Draymond Green.
Hindi naman daw sinadya ni Brooks na tamaan niya ang pagkalalake ni LeBron, dahil ang intensiyon lang ni Brooks ay agawin ang bola sa kaniya.
Kaso bigla nga raw nag-crossover itong si LeBron kaya ibang bola ang tinamaan ni Brooks.
At ganoon din ang naging paniniwala ni Desmond Bane, sa tingin daw niya aksidente lang ang pagkakatama ni Brooks sa pagkalalake ni LeBron.
Si Brooks ang nangunguna ngayon sa liga pagdating sa technical foul, na siya ay nakalikom na ng 18 technical fouls sa regular season.
At dahil nga sa hindi mgandang pakikitungo ni Brooks sa ibang mga manlalaro sa liga, baka magkaroon ng isang madaling pagdedesisyon dito ang komite na tinutukoy ni LeBron.
Pero kung kayo ang tatanungin, mga KaDribol, nararapat lang ba na suspendihin ng NBA itong si Brooks sa Game 4 dahil sa ginawa niya?
Comments
Post a Comment