Ang mensahe ni Andrew Wiggins matapos na sila ay manalo sa Game 3 laban sa Sacramento.



Nakuha nga ng Warriors ang kanilang unang panalo sa quarter finals laban sa Sacramento Kings nung Biyernes, at nagawa nila ito sa harapan ng kanilang mga fans sa Chase Center.

At ang Game 3 ay ang unang game na nakabalik si Andrew Wiggins sa sahig ng kanilang tahanan upang maglaro, matapos na hindi makapaglaro ng 25 games ngayong season.


At dahil doon, siya ay natanong kung ano ang pakiramdam niya na makabalik sa kanilang tahanan at muling makapaglaro doon, at ang naging sagot ni Wiggins ay tumukoy sa kanilang fanbase.

Ang sabi ni Wiggins, mga idol, meron daw silang mga fans na best sa buong mundo, na tanggap na tanggap daw sila sa tuwing sila ay tatapak sa court, kaya mahal na mahal daw ni Wiggs ang kanilang mga fans.

Naging malaking parte ng Warriors sa pagkuha ng kampeonato n'ung nakaraang taon itong si Wiggins, na ngayon ay nasa ikatlong taon na niya sa Warriors.


At sa kabila na marami siyang games na na-missed ngayong season, ipinakikita pa rin naman niya na epektibo pa rin siya para sa grupo ni Steve Kerr.

Sa loob ng 37 games, siya ay nakapagtala ng average na 17.1 points, 5 rebounds, 2.3 assists at 1.2 steals, na may 47.3% shooting sa field at 39.6% sa tres.

At kahit na ba na kaytagal niyang hindi nakapaglaro, ngayong postseason, siya ay nag-aaverage na ng 19.7 points, 5 rebounds, 1.3 assists at 1.7 blocks, na may shooting na 47.1%.


Si Wiggins ay nakapagtapos sa Game 3 na may 20 points, 7 rebounds, 3 assists at isang block shot, na may 50% shooting sa field at sa tres.


Ang Game 4 ng sagupaan ng Warriors at ng Kings ay magaganap muli sa Chase Center, Lunes, April 24, 2:30 ng umaga, Pinas Time.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang sinabi ni Dell Curry patungkol sa kaniyang anak na si Stephen Curry.

Chris Paul nagbanta na sa mga teams sa NBA kapag siya at si Draymond Green ay nakaharap nila sa laban, at ang bibigyan daw ni Stephen Curry ng championship ring niya kung pwede lang daw, kilalanin natin.

Julius Erving, ipinaliwanag kung bakit hindi nakasama si Stephen Curry sa kaniyang top-10 NBA players of all-time.