Ang 47 points ni Devin Booker laban sa Clippers ay nakagawa ng kasaysayan sa NBA.
Naitala nga ni Devin Booker ang kaniyang pangalan sa record books dahil sa napakaganda niyang performance laban sa Los Angeles Clippers, na nagresulta din upang makuha nila ang panalo.
Siya ang naging unang manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nakapagtala ng hindi bababa sa 45 points at 10 assists sa isang serye, kung saan sila ang nanalo.
Nagpamalas si Booker ng kaniyang kamangha-manghang kahusayan at pagiging epektibo sa buong game, na siya ay nagkaroon ng 19-of-27 shooting mula sa field, kabilang ang nakakabilib niyang 57% mula sa tres.
Ramdam talaga ang epekto ni Booker sa laban, at ang Phoenix Suns nga na kaniyang koponan ay nakaabante na para sa susunod na round ng playoffs.
Samantalang ang kanilang naging katunggali na koponan, ang Clippers, ay naharap din naman sa sarili nilang laban, dahil wala nga sa kanila ang kanilang dalawang stars na sina Kawhi Leonard at Paul George upang matulungan sila.
At ang tanging naiwan lang sa kanila upang magdala ng bigat ay itong sina Norman Powell at Russell Westbrook, pero sa kabila ng kanilang pagsisikap, hindi pa rin nila kinaya ang lakas ni Booker at ng Suns.
Sa susunod na round, makakaharap ng Suns ang Denver Nuggets, ang Denver na pinangungunahan ni Nikola Jokic.
Dapat nang asahan ng Suns ang isang mas mahigpit na hamon sa depensa ng Nuggets, dahil ang Nuggets ay kilala din naman sa kanilang katapangan at tiyaga sa loob ng court.
Gayun pa man, dapat mapanatili ng Suns ang kanilang focus upang madaig nila ang Nuggets, lalo na at nagpapamalas na ng kalakasan sa opensa itong si Booker.
Taglay ng Suns ang star power at scoring prowess upang mapabagsak ang top seed sa West, subali't ang kanilang chemistry ay masusubukan laban sa isang koponan na matagal nang magkakasama.
Pero kahit na anumang hamon ang kaharapin nila, ang record-breaking performance ni Booker ay lalong nagpatibay sa pagpapatunay na isa nga siya sa mga rising stars na ngayon ng liga, at malaki ang maitutulong nito sa kanila.
At ang kaniyang pagsisikap ay magbibigay sa atin ng isang kapanapanabik na palabas sa pagitan ng kanilang koponan na Phoenix Suns at ng koponan ng Denver Nuggets sa playoffs.
Comments
Post a Comment