Ang 13-point game ni Anthony Davis at ang pagkatalo ng Lakers sa Game 2 laban sa Grizzlies.


by KADRIBOL BASKETBALL.

Talaga namang nagtatarabaho ng masikap itong si Anthony Davis para sa Lakers ngayong season, mga KaDribol.

At kapag siya ay malusog, halimaw talaga siya kung maglaro sa depensa at sa pagkuha ng mga rebounds.


Pero sa kabila ng kaniyang average na 25.9 points per game ngayong season, ang kalidad at ang dami ng kaniyang mga tira ang kadalasang pinag-uusapan na nagiging negatibo para sa Lakers.

At ito na naman nga ang nangyari sa kaniya sa Game 2 ng serye nila laban sa Memphis Grizzlies.

Ang kaniyang 13 points, sa kaniyang 4-of-14 shooting, ay isa sa tinitignan na naging dahilan ng kanilang pagkatalo sa Game 2.

Lalo na at ang kaniyang katunggali na si Xavier Tillman Sr. ay nagtapos na may 22 points, nagkaroon ng shooting na 10-of-13, at nakahakot pa ng 13 rebounds.


At kahit na ba na si AD ay nakapag-ambag pa ng 5 blocks at 8 rebounds para sa Lakers, pero ang kailangan ng Lakers ay ang mas maraming puntos kaysa sa naibigay lamang nila sa Game 2.

Marami nga kasing isinablay na tira talaga itong si Davis, 'yung iba ay malalapit pa sa basket.

Tapos dalawang beses pa siya nabutata ni John Konchar.


Kalimutan na ang nagyari sa Game 2 at magpatuloy, iyan ang sabi ni Davis, mga Kadribol, patungkol sa kaniyang mindset, sa kanilang mga susunod pang mga laban.

Maganda ito para sa Lakers dahil ang Game 3 ay malilipat na sa kanilang tahanan, sa harapan ng kanilang mga fans, kaya mas mataas na ang chance nila na muling makuha ang panalo.

Sinabi naman ni Coach Darvin Ham na patuloy silang gumagawa ng mga paraan kung papaanong makakakuha itong si Davis ng bola na nasa tamang posisyon, upang hindi siya mahirapan sa pagpuntos.


Sa kabilang banda, binigyang kredito ni Coach Ham ang stratehiya na ginawa ng Grizzlies upang mapigilan si Davis, sa kabila na wala ang dalawa nilang malalaking mama na sina Steven Adams at Brandon Clarke.

Si Austin Reaves naman na nagtapos na may 12 points, 5 rebounds at 4 assists, ay sinabi na dapat mas magawa pa nila ng tama ang paghanap kay AD sa opensa, dahil malaking bagay daw para sa kanila ang opensa ni AD.


Tama naman si Reaves sa sinabi niya, pero dapat ay maging pisikal at agresibo pa rin na maglaro itong si Davis, dahil sa Game 2, naka-apat na free throws lamang siya, patunay na kinulang talaga siya sa pagiging pisikal at pagiging agresibo.

Si LeBron James naman eh mas maganda ang inilaro niya ngayon kaysa nung Game 1, na siya ay nagtapos sa Game 2 na may 28 points, 12-of-23 shooting at 12 rebounds.


Pero alam naman na natin, mga KaDribol, na mas mahirap talunin ang Lakers kapag naglalaro itong si Davis sa best niya, lalo na pagdating sa depensa.

Kaso sa parte ni Davis, mga KaDribol, habang nababawasan ang kaniyang pagka-agresibo, tumataas naman ang kakulangan nila sa opensa.


At ang ganitong mga bagay ay hindi dapat magkaroon ng puwang sa postseason.

Visit KADRIBOL BASKETBALL
(YouTube Channel).

Follow us on our FB Page
Top Sports PH.

Comments

Popular posts from this blog

Toronto Raptors interesado kay Tyler Herro sa gitna ng usapang trade kay Damian Lillard.

Naku po! Mababaliw daw si Damian Lillard kapag hindi niya nakuha ang bagay na ito.